28.8 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Paglilinaw sa pagpapalabas ng Executive Order No. 61

- Advertisement -
- Advertisement -
ITO ay upang  bigyang-linaw ang ilang alalahanin ukol sa pagpapalabas ng Executive Order (EO) No. 61 (S. 2024), na nagsususpinde sa implementasyon ng Administrative Order No. 25 (S. 2011) at Executive Order No. 80 (S. 2012).
Nais naming bigyang-diin na magpapatuloy ang pagpapalabas ng 2022 at 2023 performance-based incentives para sa mga kwalipikadong empleyado ng gobyerno.
Layon lamang ng EO na ireview ang mga sistema na Results-Based Performance Management (RBPM) at Performance-Based Incentive (PBI) ng gobyerno upang ma-harmonize, istreamline at gawing mas episyente at napapanahon ang proseso ng pagpapalabas ng personnel incentives.
Sa ilalim ng EO, maaaring magsagawa ng mga refinements upang maging mas maayos at streamlined ang pagpapalabas ng 2023 PBB. Ang alokasyon sa budget para sa 2024 PEI ay komprehensibo nang nailabas sa mga ahensya at magpapatuloy. Samantala, ang FY 2025 PEI ay isasama sa National Expenditure Program.
Ang EO ng Pangulo, na inilabas noong ika-3 ng Hunyo 2024, ay nagbibigay-halaga sa ease of doing business kahit na sa RBPMS at PBI System, dahil ang mga ito ay itinuring na kalabisan at pag-uulit sa internal at external performance audit at evaluation system ng gobyerno.
Nilalayon ng Pangulo na repormahin ang proseso ng government performance evaluation at incentives system tungo sa isang mas tumutugon, mahusay, agile, at competent na burukrasya.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -