24.4 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Diborsyo: Basehan ng Kongreso, Debate sa Senado

- Advertisement -
- Advertisement -

MALIBAN sa Vatican,  kung saan nakaluklok ang liderato ng Simbahang Katolika, tanging sa Pilipinas na lamang walang diborsyo.

Ayon sa isang ulat, sinabi ni Senadora Loren Legarda na lumagda sya sa committee report kung saan nangangahulugan ito na magkakaroon ng debate o diskusyon kaugnay ng Senate Bill 2443.

Sa 24 na Senador, nagpahayag na ang pito sa mga ito na pabor at pito ang hindi pabor sa divorce bill. Mga larawan mula sa The Manila Times
Sa Mababang Kapulungan naman ay panalo na ang mga pabor sa botong 131 at 109 naman sa hindi at 20 ang nag-abstain.

Aniya, saka niya pagdedesisyunan kung pabor ba sya o hindi kapag napag-aralan nya ito at napagdiskusyunan sa Senado.

Sa 24 na Senador, nagpahayag na ang pito sa mga ito na pabor at pito ang hindi pabor sa divorce bill. Pabor siyempre ang mga may-akda na sina Senador Robinhood Padilla, Risa Hontiveros, Raffy Tulfo, Pia Cayetano, at Imee Marcos. Aprubado rin ito kina Senador JV Ejercito at Grace Poe, ayon sa ulat ng The Manila Times.

Tutol naman sina Senate President Francis Escudero, Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, Senate Majority Leader Francis Tolentino, Senate Minority Leader Aquilino Pimentel 3rd, at Senador Ronald dela Rosa, Joel Villanueva at Juan Miguel Zubiri.


Kung sakaling pumabor ang mas nakararaming Senador sa panukalang ito sa ikatlo at huling pagbasa, kinakailangang magpulong ang Senado at Kongreso para pag-isahin ang panukala bago ito papipirmahan sa Pangulo para maging isang ganap na batas.

Sa Mababang Kapulungan naman ay panalo na ang mga pabor sa botong 131 at 109 naman sa hindi at 20 ang nag-abstain  nang isagawa ang ikatlo ang huling pagbasa ng House Bill 9349 o ang panukalang Absolute Divorce Act.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, ang may-akda ng panukalang batas, nangangahulugan ito ng malaking pagbabago sa pagtingin ng lipunan sa kasal at relasyon.

Ang pagsasabatas ng diborsyo, aniya ay pagtugon sa pangangailangan na makapagbigay ng pagkakataon sa mga taong bilanggo ng isang malungkot at hindi na maaayos na pagsasama.

- Advertisement -

Bagama’t sa ilalim ng panukalang batas na ito, isang taon lamang at may desisyon na ang hukuman, hindi naman nito kikilalanin ang “no-fault, quickie drive-thru, email or notarial divorces.”

Sa California, USA, maaaring magfile ng no-fault divorce ang mag-asawa. Ibig sabihin nito, walang problema sa magkabilang=panig, gusto lamang nilang maghiwalay. Sa lungsod na ito rin, maaaring online na lamang ang paghahain ng petisyon sa pamamagitan ng e-mail at hindi na kinakailangang pumunta pa sa hukuman kung naihanda na ng magkabilang panig ang lahat ng mga kailangan at nagkasundo na sa mga usapin gaya ng child support, alimony, at iba pang bagay.

Sa panukalang batas ni Lagman, may mga limitasyon at dahilan dapat para magdiborsyo ang mag-asawa.

Kinakailangan pa ring makapaghain ng sapat na dahilan na bubusisiin ng hukuman bago ito desisyonan upang maiwasan ang pang-aabuso at sabwatan ng mga partido.

Kabilang sa maaaring idahilan sa pagsasampa ng diborsyo ay psychological incapacity, irreconcilable differences, domestic o marital abuse, pagpapalit ng kasarian, at pagkakahiwalay sa asawa nang limang taon o mahigit pa.

Maaari ring maging idahilan para sa diborsyo ang grounds for legal separation sa ilalim ng Family Code of the Philippines. Ito ay ang sumusunod:

- Advertisement -
  • Pananakit ng pisikal o pang-aabuso sa nagpetisyon, sa kanilang anak o sa anak ng nagpetisyon;
  • Pananakit ng pisikal o pamimilit sa nagpetisyon na baguhin ang kaniyang relihiyon o political affiliation;
  • Pagtatangka ng respondent sa petitioner, sa kanilang anak o sa anak ng petitioner na isabak ito sa prostitusyon;
  • Pinal na desisyon ng hukuman na sentensyahan ang respondent ng pagkakakulong ng mahigit anim na taon;
  • Pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot, alak at sugal;
  • Homosexuality ng respondent;
  • Pagpapakasal ng respondent sa iba;
  • Pagtataksil, perbersyon, o pagkakaroon ng anak sa iba maliban sa kaniyang asawa habang sila ay kasal pa
  • Pagtatangka ng respondent sa buhay ng petitioner, sa kanilang anak o sa anak ng petitioner; at
  • Pag-aabandona sa petitioner ng respondent nang walang sapat na dahilan nang mahigit isang taon

Maari ring gamiting basehan sa diborsyo ang mga basehan sa annulment of marriage sa bisa pa rin ng Family Code of the Philippines gaya ng mga sumusunod: kawalan ng parental consent, pagkabaliw, pandaraya, pamimilit, pananakot o pag-iimpluwensya, kawalan ng kakayahang makipagtalik at sexually transmissible diseases.

Kikilalanin din sa Pilipinas ang mga diborsyo ng dayuhan o ng Pilipinong asawa nito na nakuha sa ibang bansa na hindi na kinakailangan pang dinggin ng hukuman dito sa Pilipinas, ayon sa panukalang batas.

Kailangang maisampa ang petisyon sa diborsyo ng petitioner sa loob ng 10 taon sa isang family court mula sa pagkakadiskubre niya ng kaniyang dahilan sa pagsasampa ng diborsyo.

Kinakailangan namang gawin ng korte na subukang pagbatiin ang mag-asawa sa loob ng 60 araw na cooling-off period matapos isampa ang petisyon.

Hindi naman kinakailangan ang cooling-off period sa mga kasong may kinalaman sa pananakit sa babae at sa mga bata o kung may pagtatangka laban sa buhay ng asawa, sa kanilang anak o sa anak ng petitioner.

Pagkalipas  ng cooling-off period kung hindi pa rin nagkasundo ang mag-asawa saka sisimulan ang pagdinig at dedesisyunan ito sa loob ng isang taon.

Kung magkabalikan naman ang mag-asawa anumang oras habang dinirinig ito, hindi na itutuloy ang petition.

Maging kung madesisyunan na ito pero nagkabalikan ang mag-asawa, mapapawalang bisa ang diborsyo.

Ang decree of absolute divorce ay kagaya ng pagsasawalang bisa ng kasal kung saan ang magkabilang panig ay magiging single na uli kung kaya magkakaroon na sila ng karapatang makapagpakasal uli.

KInakailangan na ang divorce decree ay naglalaman ng para sa pangangalaga, kustodiya at suporta sa mga bata, proteksyon sa ari-arian, termination at liquidation ng conjugal partnership at alimony para sa naagrabyadong asawa.

Kung maisasabatas ang Absolute Divorce Bill, ito ay magiging pang-apat na paraan upang ipawalang bisa ang kasal sa Pilipinas. Ang tatlong iba pa ayon sa Family Code ay ang canonical dissolution, annulment, at legal separation.

Noong 17th Congress sa nakaraang administrasyon, umabot sa pangatlong pagbasa ang panukalang batas sa diborsyo sa Senado ngunit hindi na ito nakapagpatuloy.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -