NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Kabalikat sa Pagtuturo Act, isang batas na nagtataas ng taunang teaching allowance mula P5,000 hanggang P10,000.
Ang nasabing allowance ay non-taxable at sisimulang ipamahagi sa school year 2025-2026.
Pinasalamatan ni PBBM ang mga mambabatas sa kanilang suporta sa dedikasyon ng pamahalaan na pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino, partikular sa pagpasa ng iba pang mga batas gaya ng Eddie Garcia Law at Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (Pencas) Law noong Mayo 2024.
Pinagtibay ni Pangulong Marcos Jr. ang layunin ng pamahalaan na suportahan ang mga gurong humuhulma sa mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino.
Ayon kay PBBM, itinatatag ng Kabalikat sa Pagtuturo Act ang taunang teaching allowance ng mga guro, ‘di lamang bilang pagkilala sa kanilang mga kontribusyon, kundi para masiguro ring sila’y suportado sa patuloy na paghahatid ng kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral.