27.4 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Gatchalian hinikayat ang mamumuhunan para sa pagbuo ng microgrid sa bansa

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang mga mamumuhunan na maglaan ng kapital para sa pagpapaunlad ng microgrids sa bansa, lalo na sa mga off-grid areas, upang makatulong na makamit ang ganap na electrification.

“Ang elektripikasyon ay kadalasang sinusundan ng pag-unlad ng ekonomiya at ang gobyerno ay dapat makipagtulungan sa pribadong sektor para makapagbigay ng kuryente sa mga lugar na hindi naseserbisyuhan sa Mindanao,” sabi ni Gatchalian, ang punong may-akda ng Microgrid Systems Act, na naglalayong isulong ang paggamit ng microgrid systems para sa rural electrification sa bansa.

Ayon sa kanya, ang Mindanao ay patuloy na may pinakamababang electrification rate sa mga major grids, na nasa 80.25 porsiyento noong 2023. Ang mga electric cooperatives sa Mindanao, na sumasaklaw sa 84 porsiyento ng kabuuang kabahayan sa rehiyon, ay mayroon lamang katumbas na electrification rate na 78.98 porsiyento.

Kung ikukumpara, ang electrification rate sa Luzon noong 2023 ay nasa 97.54 porsiyento habang ang rate sa Visayas ay nasa 92.36 porsiyento. Sa pangkalahatan, ang Pilipinas ay may kabuuang electrification rate na 92.75 porsiyento.

Nabanggit ni Gatchalian na ang National Power Corp. at ang Maharlika Consortium ay nagsanib pwersa kamakailan lang para sa probisyon ng mga microgrid sa mga lalawigan ng Cebu, Quezon, at Palawan. Ang kontratang nilagdaan sa Maharlika Consortium ay sumasaklaw sa walong unserved areas sa tatlong probinsyang nabanggit.

“Tayo ay nagagalak na makita ang mga mamumuhunan na may interes sa pagpapaunlad ng microgrids sa Luzon at Visayas. Umaasa tayo na makita ang parehong antas ng interes para sa pagtatatag ng microgrids sa Mindanao,” sabi ni Gatchalian.

Ayon sa senador, hindi kailangan ng mga microgrid service provider ng congressional franchise para makapag-operate.

Ang mga nasabing lugar ay binibigyan din ng priyoridad para sa mura, renewable, at environment-friendly na pinagkukunan ng enerhiya, sabi ni Gatchalian.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -