ANO na ang kinahinatnan ng pakikibaka ng bansa sa paglobo ng mga presyo sa gitna ng paghaplit ng El Niño? Tutuloy kaya ang planong pagbalik sa mataas na growth trajectory sa ikatlo o ikaapat na quarter?
Mula Enero 2024, tuloy-tuloy ang pag-akyat ng year-on-year (YOY) inflation, mula sa 2.8% paakyat sa 3.4%, 3.7% at 3.8% sa Pebrero, Marso at Abril. Isa lang ang nagpaakyat dito —pagkain. Umakyat ang food inflation mula 3.3% noong Enero sa 4.8%, 5.7% at 6.3% sa mga sumusunod na buwan. Itoý dahil sa El Niño na nagpababa ng produksyon sa agrikultura sa 0.4% noong unang quarter ng 2024, mas mababa kaysa 1.4% na pag-akyat ng populasyon. Ang pinakamalaking pag-akyat ng presyo ay dahil sa bigas na hindi natinag sa 22.7-22.4% na inflation range. Itoý dahil sa -2.0% na pagbagsak ng produksyon. Tumaas ang import volume ng bigas ng 44.2% (in terms of metric tons) kumpara sa nakaraang taon base sa datos noong gitna ng Pebrero. Ngunit tumaas na rin ang presyo ng bigas sa world market dahil apektado rin ng El Niño ang maraming bansa na nagtatanim at nage-export ng palay. Umakyat ang export price ng Thailand rice 5% brokens sa P34.20/kg noong unang quarter, 30.1% na mas mataas kumpara noong 2023; itoý higit na mas mataas kaysa 22.5% na pagtaas ng presyo sa Pilipinas. Ang average wholesale price sa Pilipinas na P54.31 kada kilo noong unang quarter ay 44.1% ay mas mataas kaysa ang export price ng Thailand. Ito’y dahil sa proteksyon na ibinibigay natin sa mga Pilipinong magsasaka. May 35% na taripa ang bigas na inaangkat mula sa ibang bansa.
Naging matatag ang presyo ng limang food items sa merkado. Tuloy ang pagbaba ng YOY inflation ng karne, isda, gatas, gulay at asukal. Medyo umakyat nang bahagya sa 4.3% YOY ang presyo ng gulay noong Abril dahil naapektuhan ng tagtuyot ang ani ng gulay na bumagsak sa -3.5% noong unang quarter.
Naging matatag ang non-food inflation na hindi gumagalaw sa 2.4% sa loob ng tatlong buwan. Naging matatag din kasi ang presyo ng Dubai crude oil sa range na US$79-82 kada bariles. Umakyat lang ito sa US$89.39 noong Abril dahil sa pagtaas ng geopolitical risks.
Ngunit taliwas sa YOY na pag-akyat ng presyo, patuloy ang pagnormalisa ng month-on-month (MOM) inflation. Mas magandang indicator ang MOM inflation kasi mas malapit sa mga pangyayari sa kasalukuyan. Ang YOY inflation ay naglalarawan ng galaw sa presyo noong isang taon pa.
Base sa MOM inflation, patuloy ang pagbagal ng galaw ng mga presyo. Mula 0.6% noong Enero at Pebrero, bumaba ito sa 0.1% noong Marso at -0.1% noong Abril. Bumaba ang MOM inflation ng bigas at karne; nanatiling negatibo ang isda, gulay at gatas; at hindi gumagalaw ang MOM inflation ng asukal.
Sa non-food category naman, di gumagalaw sa kabuuan, ngunit bahagyang pag-akyat na 0.1% ang naitala ng furnishings, household equipment & routine household maintenance; health; at information and communication; umakyat ang transport sa 0.6% dahil sa pagsipa ng presyo ng langis pero na-offset ito ng negatibong antas ng housing, water, electricity and other fuels na may isang buwang lag bago magpalit ang presyo.
Sa hinaharap, ang paggalaw ng mga presyo ay depende sa resulta ng food production program ng administrasyon sa gitna ng pagpalit ng panahon mula El Niño sa La Niña na maaaring magdala ng malalakas na bagyo at mataas na baha sa mga bukirin.
CONSUMER PRICES | |||||||||||
In Percent | YEAR-ON-YEAR | MONTH-ON-MONTH | |||||||||
January | February | March | April | January | February | March | April | ||||
ALL ITEMS | 2.8 | 3.4 | 3.7 | 3.8 | 0.6 | 0.6 | 0.1 | -0.1 | |||
I. FOOD AND NON-ALCOHOLIC BEVERAGES | 3.5 | 4.6 | 5.6 | 6.0 | 0.8 | 0.3 | -0.3 | -0.2 | |||
Food | 3.3 | 4.8 | 5.7 | 6.3 | 0.8 | 0.3 | -0.4 | -0.1 | |||
Rice | 22.6 | 23.7 | 24.4 | 23.9 | 2.3 | 1.0 | 1.0 | 0.4 | |||
Meat | -0.7 | 0.7 | 2.0 | 1.0 | 0.5 | 1.0 | 1.1 | 0.1 | |||
Fish | 1.2 | 0.7 | -0.9 | 0.4 | 1.3 | 0.3 | -1.5 | -1.0 | |||
Milk | 5.6 | 3.5 | 2.3 | 1.9 | 0.2 | -0.3 | -0.3 | -0.6 | |||
Vegetables | -20.8 | -11.0 | 2.5 | 4.3 | -2.0 | -0.9 | -1.2 | -1.2 | |||
Sugar | -1.0 | -2.4 | -2.9 | -2.8 | -0.5 | -0.8 | 0.1 | 0.1 | |||
II. ALCOHOLIC BEVERAGES AND TOBACCO | 8.4 | 8.6 | 6.7 | 4.9 | 0.3 | 0.7 | 0.2 | 0.1 | |||
NON-FOOD | 2.0 | 2.4 | 2.4 | 2.4 | 0.5 | 0.7 | 0.2 | 0.0 | |||
III. CLOTHING AND FOOTWEAR | 0.3 | 0.3 | 0.4 | 0.3 | 0.3 | 0.3 | 0.4 | 0.3 | |||
IV. HOUSING, WATER, ELECTRICITY, GAS AND OTHER FUELS | 0.8 | 0.8 | 0.0 | -0.5 | 0.8 | 0.8 | 0.0 | -0.5 | |||
V. FURNISHINGS, HOUSEHOLD EQUIPMENT AND ROUTINE HOUSEHOLD MAINTENANCE | 0.3 | 0.4 | 0.3 | 0.1 | 0.3 | 0.4 | 0.3 | 0.1 | |||
VI. HEALTH | 0.2 | 0.4 | 0.3 | 0.1 | 0.2 | 0.4 | 0.3 | 0.1 | |||
VII. TRANSPORT | 0.0 | 1.3 | 0.2 | 0.6 | 0.0 | 1.3 | 0.2 | 0.6 | |||
VIII. INFORMATION AND COMMUNICATION | 0.1 | 0.0 | 0.0 | 0.1 | 0.1 | 0.0 | 0.0 | 0.1 | |||
Source: PSA |