29.1 C
Manila
Biyernes, Nobyembre 22, 2024

Naglabas si Hontiveros ang mga dokumentong nagpapakita ng posibleng pagkakakilanlan ng ina ni Mayor Alice Guo

- Advertisement -
- Advertisement -

NITONG Huwebes, Mayo 30, 2024, naglabas si Senator Risa Hontiveros ng mga dokumento na nagpapakita ng posibleng pagkakakilanlan ng ina ni Mayor Alice Guo, isang Lin Wen Yi, isang incorporator na sangkot sa maraming negosyo ng lokal na punong ehekutibo ng Bamban, Tarlac.

Sabi ni Senator Win Gatchalian, ayon sa mga residente ng Valenzuela, itong si Lin Wen Yi daw ang pinapakilalang ina ni Mayor, nung tumira sila sa siyudad dati. The identity of Mayor Alice’s mother is crucial to this whole saga. Kung Chinese pala ang ina, at Chinese umano ang ama, mapapatunayan na hindi nga talaga Pilipino si Mayor. Kung totoo ito, ang mas malaking tanong: bakit kinailangan niyang magkunwari? Bakit may pagtatago at pagsisinungaling? Larawan mula sa Facebook page ni Senator Risa Hontiveros

Ito ay matapos ang panayam ni Sen. Win Gatchalian, kung saan ibinunyag niya na mapapatunayan ng mga residente ng Valenzuela na si Lin Wen Yi, isang Chinese national, ay tinukoy bilang ina ni Mayor Guo noong sila ay naninirahan sa lungsod.

“The identity of Mayor Alice’s mother is crucial to this whole saga. Kung Chinese pala ang ina, at Chinese umano ang ama, mapapatunayan na hindi nga talaga Pilipino si Mayor. Kung totoo ito, ang mas malaking tanong: bakit kinailangan niyang magkunwari? Bakit may pagtatago at pagsisinungaling?” tanong ni Hontiveros.

Hontiveros said that Mayor Guo’s co-incorporators in at least seven of her businesses — namely QJJ Group of Companies, QJJ Farms, QJJ EmbroideryQJJ Meat Shop3LIN-Q FarmQJJ Slaughterhouse, and QSeed Genetics — include her siblings Shiela L. Guo and Siemen L. Guo, her father Jian Zhong Guo, and this Lin Wen Yi.

Sinabi ni Hontiveros na ang mga co-incorporator ni Mayor Guo na hindi bababa sa pito sa kanyang mga negosyo — katulad ng QJJ Group of Companies, QJJ Farms, QJJ Embroidery, QJJ Meat Shop, 3LIN-Q Farm, QJJ Slaughterhouse, at QSeed Genetics — kasama ang kanyang mga kapatid na si Shiela L. Guo at Siemen L. Guo, ang kanyang ama na si Jian Zhong Guo, at itong si Lin Wen Yi.


“Kung nagawang magsinungaling ni Mayor Alice tungkol sa mga kapatid niya, hindi malayong mangyari na tinatago niya rin ang totoong pagkatao ng nanay niya. She has been lying through her teeth the past two hearings. Ang daming imbento, halos wala nang lumalabas na totoo sa bibig niya,” sabi ng Senadora.

“Magkakamag-anak ba silang lahat? Is this one big, dubious family business? As Sen. Win also noted, travel records show that Jian Zhong Guo and Lin Wen Yi travelled together at least 170 times in the span of six years. Business partner lang nga ba o baka asawa talaga?” dagdag pa ni Hontiveros.

Ibinahagi rin ni Hontiveros ang isang dokumento ng Bureau of Internal Revenue na nagpapatunay sa mga petsa ng kapanganakan at mga address ng mga kasamang incorporator ni Mayor Guo, na sinasabing mga miyembro ng kanyang pamilya.

“1971 ang birth year nitong Lin Wen Yi. Kung siya ang tunay na ina, 15 years old lang siya nang iniluwal si Alice. At kung siya din ang ina ni Sheila na aminado si Alice na kapatid niya, aba 13 years old lang siya nung niluwal si Sheila? Unless ito ay gawa-gawa lang lahat, kathang isip ng isang sindikatong Tsino na pinahintulutan ng mga kawani ng gobyerno,” Hontiveros said.

- Advertisement -

“May isa pa kaming source na nagsasabi na ‘Winnie’ ang tawag sa nanay ni Mayor Guo. Filipinized version kaya ito ng Lin Wen Yi? Bakit kaya sinisikreto? Sino ba itong pamilya na ito? Bakit nakapalibot sa misteryo? We will get to the bottom of this,” pagtatapos ng Senadora. Halaw ni Lea Manto-Beltran sa ulat ng Senate of the Philippines

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -