NAGBIGAY babala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na mag-ingat sa mga kumakalat na pekeng traffic violation.
Sa isang abiso, paalala ng ahensya na huwag i-scan ang mga natatanggap na malisyosong QR code na sinasabing mababayaran mo ang iyong traffic violation.
Iginiit ng MMDA hindi galing sa ahensya ang QR Code na nagsasabing mapapabilis ang pagbabayad mo ng traffic violation sa pamamagitan ng pag-scan sa link.
Maaaring tumawag sa MMDA Redemption Center sa numerong 88984200 loc. 104 at 105 para kumpirmahin ang detalye ng iyong violation.
Payo ng MMDA sa mga motorista na kung may natatanggap na kahina-hinalang mensahe o post sa social media, maaaring tumawag sa MMDA Hotline 136 o magpadala ng mensahe sa MMDA official accounts. (MMDA/PIA-NCR)