29.6 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Mataas na interest rates nakaaapekto sa paglago ng ekonomiya

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

HANGGANG kailan kaya ang mataas na interest rates? Makakababalik na ba ang bansa sa 6-7 percent Gross Domestic Product (GDP) growth na projection sa Medium-Term Development Plan bago magtapos ang taon?

Patuloy ang rehimen ng mataas na interest rates kaya matumal pa rin ang paglago ng ekonomiya. Habang mataas ang inflation rates na binabaka ng mga monetary authorities, hindi inaasahang maabot ang 6.5 percent na siyang average GDP growth ng sampung taon bago ang pandemya.

Umungos nang bahagya ang GDP growth sa 5.7 porsiyento noong unang quarter ng taon, mas mataas kaysa sa 5.5 porsiyento noong nakaraang taon. Ngunit mas mababa ito kaysa sa 6-7 porsiyento na inaasahan ng pamahalaan.

Ang dahilan nito ay ang mataas na interest rate. Ang average lending rate sa lahat ng maturities ay 8.7 porsiyento noong unang quarter ng 2024, mas mataas kaysa sa 7.0 porsiyento noong buong 2023. Dahil mahal ang pangungutang, umiiwas ang mga investors sa pagbili ng mga bagong makinarya at pagdagdag ng kapasidad ng kanilang mga planta. Hinihintay nilang  bumaba ang interest rates bago gawin ito.

Ngunit dahil sa pagbabalik ng mga OFWs sa mga trabaho nila sa labas ng bansa, halos double digit ang Gross National Income (GNI) growth — 9 .7 porsiyento noong unang quarter mula sa 11.1 porsiyento noong ikaapat na quarter ng 2023. Lumakas ang net primary income from the rest of the world ng 57 porsiyento noong unang quarter. Idinadagdag ang net primary income sa GDP para makuha ang GNI.


Ang mataas na inflation rate ang dahilan kung bakit ang household consumption ay patuloy na dumausdos sa 4.6 porsiyento noong unang quarter, ang pinakamababang paglago nito simula nang mawala ang pandemya. Walang kumpiyansa ang mga tahanan na bumili ng mga kasangkapan, magpaayos at magdagdag ng mga kuwarto sa kanilang mga bahay, o kayaý bumili ng pagkain, bagong damit at sapatos.

Pagkatapos bumagsak ng 2.5 porsiyento noong huling quarter ng 2023, nagsimula nang umakyat ang exports of goods and services na lumago ng 7.5 porsiyento noong unang quarter. Bumalikwas ang exports of goods ng 5.8 porsiyento  dahil sa double-digit na paglago na naitala ng semiconductors (umakyat ng 19.8 porsiyento), electronic data processing (16.4 porsiyento), chemicals (16.2 porsiyento), tuna (42.7 porsiyento), at bananas (11.9%).

Patuloy naman ang pagratsada ng exports of services na nagbunyi sa 8.9 porsiyento na paglago dahil sa pagbabalik ng sigla ng turismo (14.5 porsiyento na paglago kumpara noong isang taon), telecommunications, computer at information technology services (6.8 porsiyento), transport (8.2 porsiyento), at business services (9.4 porsiyento).

Ngunit ang bumandera ng pag-unlad sa mga lumipas na mga taon, ang investment, ay mabagal. Ang capital formation ay gumapang ng 1.3 porsiyento kumpara sa 12.8 porsiyento noong isang taon dahil sa mataas na interest rates. Ang dating maliksing construction ay nanahimik sa 6.8 porsiyento mula sa double-digit na paglago ng dalawang sunud-sunod na quarters. Mabagal din ang simula ng mga infrastructure projects ng pamahalaan noong unang quarter na lumago lang ng 3.8 porsiyento.

- Advertisement -

By sector, mabagal din ang agrikultura na umusad nang bahagya ng 0.4 porsiyento dahil sa tindi ng El Nino. Mas mababa ito kaysa 1.4 porsiyento na taunang pagtaas ng populasyon kaya lalong tumaas ng presyo ng pagkain.

Ngunit nanumbalik ang lakas ng industriya sa 5.1 porsiyento mula sa 3.1 porsiyento noong ikaapat na quarter. Dahil ito sa manufacturing na lumobo ng 4.5 porsiyento at electricity, gas and water na umakyat ng 6.3 porsiyento.  Nag-normalisa ang construction sa 7.0 porsiyento mula sa malakas na pagsasara sa 8.4 porsiyento sa ikaapat  na quarter ng 2023.

Ang services sector ang nanatiling pinakamalakas na sector na lumago ng 6.9 porsiyento, mas mabagal kumpara sa 8.3 porsiyento noong huling quarter ng 2023. Malago pa rin ang mga hotel at restaurants na lumukso ng 13.9 porsiyento, mas mabagal nang bahagya kaysa sa 18.1 porsiyento noong ikaapat na quarter. Ganoon din ang banking and insurance na lumago ng 10.0 porsiyento pero mas mabagal kaysa sa 12 porsiyento noong huling quarter ng 2023. Ganoon din ang human health and social work activities na lumago ng 8.5 porsiyento; other services, 8.5 porsiyento; professional and business services, 7.5 porsiyento, wholesale and retail trade, 6.4 porsiyento; at transportation and storage, 5.6 porsiyento.

Nanahimik nang kaunti ang mas malaking basket na GDP-based inflation mula sa 3.5 porsiyento noong ikaapat na quarter sa 2.9 porsiyento noong unang quarter. Ayon sa ilang analysts, dahil bumababa na ang inflation ay puede na raw gupitan ang interest rates sa ikatlo o ikaapat na quarter. Pag nangyari ito, babalik ang ekonomiya sa mas mataas na growth trajectory.

Kasama ng services sector, malaking tulong sa ekonomiya ang malagong pagtaas ng net primary income from the rest of the world na kinabibilangan ng OFW remittances at dividend earnings ng mga Filipino investors abroad. Umabot sa 57.0 porsiyento ang paglago nito sa unang quarter. Dahilan nito, ang Gross National Income (GNI) ng bansa ay lumago ng 9.7 porsiyento, isa sa mga pinakamataas sa buong mundo. Ito ang dahilan kung bakit patuloy na mataas ang kumpiyansa ng investors sa ating ekonomiya.

 

- Advertisement -
ECONOMIC GROWTH, BY SECTOR
2023 2024
Real Growth in % Q1 Q2 Q3 Q4 Q1
GROSS NATIONAL INCOME 10 8.6 12..1 11.1 9.7
Net primary income from the rest of the world 82.4 90.7 111.1 97.7 57
GROSS DOMESTIC PRODUCT 6.4 4.3 6 5.6 5.7
AGRICULTURE 2.2 0.2 0.9 1.3 0.4
INDUSTRY 4.1 2 5.6 3.1 5.1
    Mining & Quarrying -2.1 -2.8 5 10.3 0.3
    Manufacturing 1.9 1.1 1.9 0.5 4.5
    Electricity 6.9 4.6 6.3 5.5 6.3
   Construction 11 3.5 14.5 8.4 7.0
SERVICES 8.4 6.1 6.8 7.4 6.9
ECONOMIC GROWTH, BY EXPENDITURE SHARE
HOUSEHOLD CONSUMPTION 6.4 5.5 5.1 5.3 4.6
GOVERNMENT CONSUMPTION 6.2 -7.1 6.7 -1.8 1.7
GROSS CAPITAL FORMATION 12.8 0.7 0.3 11.6 1.3
    GROSS FIXED CAPITAL FORMATION 10.9 4.3 8.2 10.2 2.3
    Construction 14.7 2.5 12.8 10.1 6.8
    Durable Equipment 7.9 11.1 1.8 14.6 -4.8
EXPORTS OF GOODS & SERVICES 1.1 4.7 2.5 -2.5 7.5
   Exports of goods 14.9 -0.8 -2.3 -11.4 5.8
   Exports of services 20.6 10.8 11.2 12.4 8.9
Source: Philippine Statistics Authority

 

 

 

 

 

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -