25.6 C
Manila
Sabado, Disyembre 28, 2024

SSS, bumisita sa mga business establishments sa Bayan ng Cuenca

- Advertisement -
- Advertisement -

BINISITA ng Social Security System Lipa Branch ang limang establisimyento sa bayan ng Cuenca kamakailan, bilang bahagi ng Run After Contribution Evaders (RACE) Campaign ng ahensya na layong ipaalala sa mga employers ang kanilang obligasyon sa pagbabayad ng tamang kontribusyon ng kanilang mga empleyado.

Ayon kay Joseph Pedley Britannico, SSS Lipa Branch Head, mahalaga ang pagsasagawa ng ganitong aktibidad upang ipakita sa mga tao ang pagiging seryoso ng ahensya na maipatupad at maipaalam sa lahat ang kanilang karapatan at obligasyon batay sa SSS Law.

Bawat business owners na binibisita ng naturang tanggapan ay binibigyan ng 15 araw upang makipag-ugnayan sa kanila at i-settle sa paraang mas madali sa kanila sapagkat maaari itong bayaran ng biglaan o kaya ay paunti-unti.

Kabilang sa mga establisimyentong binisita ay botika, hotel at resort, logistics company, eskwelahan at learning center.

Tuloy tuloy ang pag-ikot ng ahensya sa lahat ng mga bayan at lungsod na kanilang nasasakupan upang ipatupad at ipaalala ang pagtalima sa SSS Law.(BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -