UMABOT sa P478.85 milyon ang kabuuang halaga ng presidential assistance na ipinamahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 47,885 na benepisyaryo sa iba’t ibang probinsya sa Mindanao.
Narito ang datos ng kabuuang tulong na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Presidential Assistancew to Farmers, Fisherfolk, and Families na apektado ng El Niño sa Mindanao.
Ang mga benepisyaryo ay mula sa Zamboanga, Sultan Kudarat, General Santos, Iligan City, at Cagayan de Oro.
Alamin dito ang mga detalye:
P30 M sa Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte at Lanao del Sur
Samantala, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng pinansyal na tulong na may kabuuang halaga na mahigit P30 milyon sa pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte at Lanao del Sur.
Sa kaniyang talumpati, siniguro ni PBBM na patuloy ang pagkakaisa ng gobyerno at lokal na pamahalaan para matulungan ang ating mga magsasaka, mangingisda at mga pamilya nito sa pagharap sa El Niño at banta ng La Niña.
Presidential aid sa Tawi Tawi
Sa pamamahagi ng presidential aid sa Tawi-Tawi, tiniyak ni Pangulong Marcos ang koordinasyon ng national government at mga LGU upang masiguro na nakakarating ang tulong, programa, at oportunidad sa bawat lokalidad.
Ipinag-utos din ni PBBM sa mga LGU na “unahin ang kapakanan ng pinakanangangailangan at mamuno nang may integridad,” tungo sa isang maunlad at nagkakaisang Bagong Pilipinas. Ulat at mga larawan mula sa Presidential Communications Office