26.9 C
Manila
Martes, Enero 7, 2025

Senado naghalal ng mga bagong committee chairman; Zubiri mamumuno sa Economic Affairs panel

- Advertisement -
- Advertisement -

SA  plenary session na pinangunanahan ng bagong Senate President Francis “Chiz’ Escudero, ilang mga senador ang nahalal upang mamuno sa mga panngunahing komite katulad ng mga sumusunod:

* Senator Sonny Angara, Komite sa Justice and Human Rights;

* Senator Nancy Binay, Komite sa Sustainable Goals;

* Senator Pia Cayetano, Komite sa Energy;

* Senator JV Ejercito, Komite sa Local Government;

* Senator Lito Lapid, Komite sa Tourism;

* Senator Imee Marcos, Urban Planning, Housing and Resettlement;

* Senate Majority Leader Francis Tolentino, Komite sa Ethics and Privileges;

* Senator Raffy Tulfo, Komite sa Public Services;

* Senator Joel Villanueva, Komite sa Labor, Employment and Human Resources Development; and

* Senator Mark Villar, Komite sa Government Corporations and Public Enterprises.

Si Senator Alan Peter Cayetano, na napiling bilang chairman ng Komite sa Accounts, ay mamumuno din sa Komite ng Trade and Industry, at ng Komite sa Higher, Technical and Vocational Education.

Si Senator Jinggoy Estrada ay napili bilang Senate Pro Tempore samantalang si Tolentino bilang majority floor leader noong nakaraang Lunes.

“Everyone should have a committee and former Senate President Zubiri expressed to me their desire to have committees and to work. I wholly agree dahil kailangan naman talaga namin ng makakatulong,” sabi ni Escudero.

“There are over 45 committees if I’m not mistaken, at 24 lang kami,” sabi ng Senate chief sa isang press conference.

Idinagdad din ng bagong Pangulo ng Senado na patuloy na ihahayag ang mga gagawing pagbabago sa Senado sa mga darating na araw. Halaw sa ulat ng Senate of the Philippines

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -