28.2 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Robin: Dagdag na Sharia Districts, malaking tagumpay para sa mga Muslim

- Advertisement -
- Advertisement -

MALAKING tagumpay para sa mga Muslim — higit  sa pagtatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) — ang  pagpasa sa bicameral conference committee ng panukalang batas na magtatayo ng Sharia districts, ayon kay Sen. Robinhood “Robin” Padilla.

Ayon kay Padilla, hindi lahat na Muslim ay nakatira sa BARMM, nguni’t lahat ay sumusunod sa batas ng Sharia na mahalagang bahagi ng kanilang pananampalataya.

“Para sa amin, landmark ito … Maraming salamat po, di ko kayo makalimutan lahat, sa panahon namin nangyari,” aniya matapos tinalakay ang panukalang batas sa bicameral conference committee.

“Itong pangangailangan namin ng Sharia courts, ito ay isang bagay na parte ng buhay namin. Ang Muslim kalahati ng aming pananampalataya may kinalaman sa pagsunod namin sa Sharia. Nandiyan nakapaloob ang pag-aasawa (at) trading… At hindi yan mabubuhay ng walang Sharia,” dagdag niya.

Nagpasalamat siya sa mga mambabatas sa bicameral conference committee na tumulong sa pagpasa ng panukala – lalo na kay Senate panel chairman Francis Tolentino na aniya’y ipinaglaban ang panukala.

Kasama si Padilla sa may-akda ng Senate Bill 2594, na magtatatag ng dagdag na Sharia Judicial Districts.

“Hindi lahat na Muslim nakatira sa BARMM pero itong ginawa ninyo, maraming salamat, Tol. Pasensya na po, kailangan ko magpasalamat sa taong ito dahil pinaglaban niya ito. Maraming salamat Kapatid,” ani Padilla kay Tolentino.

Video: https://www.facebook.com/ROBINPADILLA.OFFICIAL/videos/1593880821393797/

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -