28.1 C
Manila
Huwebes, Enero 2, 2025

Rigodon sa Senado, alamin

- Advertisement -
- Advertisement -

MAY bagong pamunuan ang Senado simula kahapon, Mayo 20, 2024. Paano nangyari ito at ano ang mga aasahan natin sa bagong pamunuan?

Nagbitiw sa kanyang tungkulin bilang Senate President si Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri habang may Senate Plenary Session dahil umano sa kanyang kabiguan na sundin ang mga “instructions” ng “powerful blocks” sa Senado.

Mga larawan mula sa Facebook page ng Senate of the Philippines

Dalawang araw ito bago ang huling sesyon ng ikalawang regular sesyon ng 19th Congress.

Sa kabila ng lahat, mahinahon siyang nagbigay ng kanyang pahayag, “This has been the greatest honor of my life as a public servant, as well as the greatest challenge. I gave this job my all, and I am very proud of what the Senate has been able to accomplish under my leadership.

“Ginawa natin ang lahat para protektahan ang ating Senado, ang ating demokrasya, at ang ating bayan.


“While I step down as Senate President, rest assured that I will continue to serve you as an independent Senator, loyal only to the Filipino people.

Samantala, agad na ibinoto ni Senator Alan Peter Compañero Cayetano si Senator Francis “Chiz” Escudero.

“May I, with all humility, but with pride, nominate someone I respect, I admire, and I look forward to him being our leader, I respectfully and humbly nominate Francis “Chiz” Escudero as Senate President,” sabi ni Senator Cayetano.

- Advertisement -

Sen Chiz bagong pangulo ng Senado

Nanumpa si Sen. Francis “Chiz” Escudero bilang ika-25 pangulo ng  Philippine Senate kahapon din, Lunes, Mayo 20, 2024.

Bahagi ng kanyang pananalita bilang bagong Senate President, “Ang tingin ko sa bawat isa sa atin ay mga miyembro ng nag-iisang Senado. At kung may kulay man tayong dadalhin, para sa akin, ang mga kulay na ‘yan ay dapat sumasagisag sa bandila ng Pilipinas.”

Dagdag pa niya, “Nawa’y sa mga bibigkasin natin dito, sa bawat gawain na ating gagawin dito, palagi tayong mapaalalahanan ng mga importanteng bagay na ang ating bandila na sumasagisag sa bansa at sa sambayanang Pilipino.”

Kasunod nito, pinuri ni Escudero si Zubiri sa kanyang mga nagawa sa Senado at kung paano nito pinamunuan ang Senado. Pinasalamatan niya ang dating pangulo ng Senado sa kanyang pagiging “matiyaga, masipag at pagmamahal sa bayan at sa Senado bilang isang institusyon.

“My hats off to you, Senate President Zubiri,” sabi ni Chiz.

- Advertisement -

“I salute you, and I hope I will make you proud. You especially among all our other colleagues, and hopefully, you will not leave my side whenever I ask for guidance, whenever I ask for help, and whenever I ask for your wisdom,” sabi ng bagong Senate president.

Si  Sen. Mark Villar, ang pinakabatang senador, ang nag-administer ng panunumpa ni Escudero bilang bagong Senate president na dinaluhan din ng kanyang asawang aktres na si Heart Evangelista.

Suportado ni PBBM

Ngayong umaga, Mayo 21, 2024, binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong Pangulo ng Senado at sinabing susuportahan niya niya si Senate President Francis “Chiz” Escudero.

“I extend my support to the new Senate President, Chiz Escudero. His legislative record and commitment to public service have distinguished him as a dedicated leader,” sabi ni Marcos sa kanyang post sa kanyang social media.

Bayan muna bago sarili

Samantala, opisyal na nagbitiw din si Senator Joel Villanueva bilang Senate’s Majority Leader habang may plenary session kahapon, Mayo 20, 2024.

“Being a part of the leadership carries a cost, requiring leaders to be ready to consistently make sacrifices, prioritizing the interest of their organization, institution, their country above their own self-interest,” sabi ni Villanueva.

Post pa niya sa kanyang Facebook page, “Opisyal na po tayong nagbitiw bilang Majority Leader ng Senado ngayong Lunes. Nag-uumapaw po ang ating pasasalamat sa ating mga kapwa Senador, gayundin sa lahat ng mga staff at Senate secretariat sa inyong tiwala sa inyong #MAJOel.

“Sa atin pong mga kababayan, umasa po kayo na anuman ang papel na ating gagampanan sa Senado, lagi’t lagi po nating isasaalang-alang at uunahin higit sa lahat ang kapakanan ng mga Pilipino at ng ating minamahal na bayan.”

Tolentino inihalal na bagong majority leader

Nanumpa si Senator “Tol” Tolentino bilang bagong Senate Majority Leader nitong Lunes, Mayo 20, 2024. Pagkatapos niyang nanumpa, iminungkahi niya sa Senado na gumawa ng resolusyon na magbibigay alam kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr at sa House of Representatives ng bagong pamunuan ng Senado. Ibinoto rin niya si  Sen. Alan Peter Cayetano bilang bagong chairperson ng Committee on Accounts.

Si Senator Alan Peter Cayetano ang bagong Senate committee on accounts.

Estrada, nanumpa bilang bagong Senate President Pro Tempore

Nanumpa si  Senator Jinggoy Ejercito Estrada bilang Senate President Pro Tempore sa harap ng bagong-halal na Senate President Francis “Chiz” Escudero habang may plenary session kahapon, Lunes, Mayo 20, 2024.

Kasama si Estrada ng kanyang anak na si Janella, ang kasalukuyang undersecretary ng National Authority for Child Care of the Department of Social Welfare and Development, at ng kanyang anak na lalaki na si Jolo.

Nagsilbi na ng dalawang beses ng parehong posisyon si Estrada noong ika-14 at 15 Kongreso.

‘Iangat ang Senado sa mas mataas na lebel’

Samantala, nanumpa si Senator Loren Legarda na ipagpatuloy niya ang kanyang pangako sa pagtulong sa pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng batas habang ipinahayag niya ang kanyang suporta sa bagong liderato ng Senado.

Sa sesyon ng plenaryo noong Lunes, Mayo 20, 2024, pinasalamatan ni Legarda ang kanyang mga kasamahan sa itaas na kamara sa kanilang tiwala at pagtitiwala sa kanyang panunungkulan bilang Senate President Pro Tempore.

“My commitment remains as steadfast today as it was during my first days as senator in 1998: To tirelessly advocate for policies and legislation that will uplift our nation and improve the lives of every Filipino,” pangako ni Legarda.

“As we transition to a new leadership of Senate President Escudero, I pledge my full support to those who will carry our mission forward. May you build upon the solid foundation we have laid and elevate the Senate to even greater heights,” sabi ni Legarda sa kanyang kapwa mga senador. Teksto halaw sa mga ulat sa Facebook page ng Senate of the Philippines.

Angara, nagbitiw sa kanyang mga posisyon

Matapos magbigay ng tribute kay dating Senate President Zubiri, Majority Leader Villanueva at Senate President Pro-Temp Legarda, nagbitiw si Senator Sonny Angara bilang chairperson ng Committee on Finance,  chairperson ng Committee on Youth, at chairperson ng subcommittee on Constitutional Amendments.

Sabi ni Angara sa kanyang Facebook post, “I’d like to pay tribute to our outgoing Senate President, our outgoing Majority Leader, our outgoing Senate President Pro-Temp, and the leadership team who was very productive. I think there’s no reason – of course emotions may dictate that they bow their heads, but there’s no reason to bow their heads.

“When all is said and done, when history is written, wala silang ikakahiya. They stood on the right side of history. I think when this institution was under threat, ipinaglaban ni Senate President Zubiri ang ating institusyon, ipinaglaban nya ang ating taumbayan doon sa mga gustong solohin ang kapangyarihan.”

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -