DUMALO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Military Academy (PMA) “Bagong Sinag” Class of 2024 commencement exercise, kung saan kanyang binigyang-diin ang papel ng mga nagtapos sa pagharap sa mga posibleng banta sa seguridad at pagkakaisa ng mga Pilipino.
Iniutos ni PBBM sa Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines na balikan ang PMA curriculum para mabigyan ang mga kadete ng kakayahan para malabanan ang disinformation at infiltration na bahagi ng modern warfare. Mula sa Facebook page ng Presidential Communications Office