UPANG suportahan ang implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), na layong maibsan ang kahirapan bansa, inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Amenah “Mina” Pangandaman ang paglikha ng 4,265 positions para sa iba’t ibang Field Offices ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“Supporting the 4Ps is crucial in inclusive development, empowering families, and breaking the cycle of poverty in the Philippines. With this move, we are also generating employment opportunities, which in some ways help stabilize our economy,” pahayag ni Sec. Pangandaman.
Ang mga contractual Project Development Officer II (PDO II) positions ay nilikha upang dagdagan ang kasalukuyang staff ng DSWD upang pamahalaan ang kanilang workload ng mas mahusay, na naglalayong magkaroon ng caseload na isang manager para sa bawat 300 na sambahayan.
As of 31 August 2023, ang pagpapatupad ng 4Ps ay sumasakop sa kabuuang 3, 976, 653 household beneficiaries sa 41,676 barangay sa buong bansa o 90.38% ng 4.4 milyong target households, base sa FY 2023 report ng DSWD.
Dati, pinahintulutan ng DBM ang paglikha ng 12,637 na posisyon sa pagpapatupad ng 4Ps, kung saan 5,291 na posisyon ang nagsilbing case manager sa pagtugis ng 4Ps.
Ang pondo para sa paglikha ng nasabing 4,265 PDO II contractual positions ay kukunin mula sa available allotment ng DSWD. Sakaling kulang, ang kinakailangang pondo ay kukunin mula sa available appropriations sa FY 2024 General Appropriations Act.