27.7 C
Manila
Lunes, Nobyembre 25, 2024

Bahagi ng pahayag ni Sen Jinggoy Ejercito Estrada tungkol sa mga diumano’y dokumento mula sa PDEA hinggil sa ilegal na droga

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng pahayag si Senator Jinggoy Ejercito Estrada sa isinagawang panel inquiry ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs ngayon, Mayo 13, tungkol sa diumano’y dokumento mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagsasangkot sa ilang personalidad sa ilegal na droga.

Narito ang bahagi ng kanyang pahayag.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng komiteng ito, nais ko lamang bigyan linaw ang ilang mahahalagang bagay para sa publiko. Ang pagsiwalat ng mga diumano’y dokumento mula sa Philippine Drug Enforcement Agency, kung mapapatunayan na wala itong basehan o katotohanan at pawang gawa-gawa lamang ay sumasaklaw sa privacy concerns, due process, at reliability of information.

Ang pagbanggit ng mga pangalan ng mga indibidwal na diumano’y sangkot sa paggamit ng ilegal na droga ay maaaring maglagay sa panganib ang kanilang buhay at maituring na paglabag sa kanilang pribadong buhay. Ito rin ay usapin na may kinalaman sa tinatawag nating due process at presumption of innocence lalo na kung hindi pa napapatunayan na sangkot sila sa anumang krimen sa ilalim ng tamang proseso ng batas. Maaaring biktima rin sila ng maling interpretasyon o maling pag-uugnay sa usapin ng illegal drugs. Maaari rin na magdulot ito ng political repercussions at magamit na instrumento sa pamumulitika.

I am here to extend my full support to the esteemed chairperson conducting these committee hearings. It is our collective responsibility to unearth the truth behind the purported PDEA leaks and utilize it to shape effective legislation. My colleague and I are committed to achieving this objective through a diligent and impartial approach.

Ang paksa ng pagdinig ay ang diumano’y PDEA leaks. Pero sinabi na mga opisyal ng PDEA na walang ganitong pangyayari. Morales is saying meron. Nasaan ang ebidensya? Isa sa mga natutunan ko sa law school ay ang legal maxim – that he who alleges has the burden to prove this. Maliban sa mga statement ni Morales, ano pang ebidensya ang pinakita nya? Wala.

Mr. Chair, dinidinig natin ang testimonya ng isang witness na nahaharap sa mga criminal complaints sa ilang lokal na hukuman at kabilang dito ang paglabag sa Article 180 ng Revised Penal Code, ang batas na nagtatakda ng parusa para sa mga taong nagbibigay ng peke o maling testimonya laban sa isang akusado at kasalukuyan itong naka-pending sa Metropolitan Trial Court, Branch 4 sa San Fernando, Pampanga.

Bilang mga senador, mayroon tayong malalim na responsibilidad na tiyakin ang katotohanan sa mga pahayag ng mga indibidwal na tumatayong testigo o resource person natin. Ito ay hindi lamang tungkulin natin bilang mga mambabatas, kundi isang moral na obligasyon. Walang puwang sa ating mga pagdinig ang mga nagpapakalat ng kasinungalingan o gumagawa ng perjurious statement lalo na’t nanumpa sila na magsasabi ng pawang katotohanan lamang.

Sa bawat pagdinig na isinasagawa natin, layunin natin hindi lamang ang paghahanap ng katotohanan kundi maging ang pagbibigay ng hustisya at pagtataguyod ng kapakanan ng ating mga kababayan.

Sa mga bumabatikos na wala akong moral ascendancy para lumahok sa pagdinig na ito, nais ko lang bigyan diin na ang pagdalo ko dito ay pagtupad sa aking tungkulin at responsibilidad bilang inyong senador na inihalal ng 15.1 na milyong botanteng Pilipino na naniniwala sa aking kakayahan at nagtitiwala na kaya kong gampanan ang mga responsibilidad bilang isang lingkod-bayan. Tungkulin ko na gampanan ang iniatang na responsibilidad at mandato ng taong bayan. Hindi ako titigil sa pagtupad ng aking tungkulin kahit pa may iilan dyan na inaatake ako ng personal.

Ang ating paglahok sa mga pagdinig ay hindi lamang isang karapatan, kundi isang tungkulin na ating sinumpaan. At kasama sa ating sinumpaan bilang mambabatas ang pagpapanatili ng integridad at tiwala ng ating mga kababayan sa ating institusyon. Hindi ito tungkol sa personal na interes, kundi tungkol sa paglilingkod sa bayan at pagpapalakas sa mga institusyon ng ating demokrasya.

Maraming salamat.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -