26.8 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

124 regular plantilla appointees ng OFW Hospital, nanumpa na

- Advertisement -
- Advertisement -

KINUMPIRMA at masayang ibinahagi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac kay Sen. Idol Raffy Tulfo na 124 regular plantilla appointees ng OFW Hospital sa San Fernando City, Pampanga ang nanumpa na sa kanilang tungkulin kahapon, Mayo 2. At mayroon pang 74 appointments ang nakatakdang sumunod sa kanila.

Matatandaan na sinadya ni Sen. Idol ang OFW Hospital noong July 1, 2023 matapos ang ilang reklamong natanggap niya. Dito ay nakita niya ang mga problema sa kakulangan ng gamot, pasilidad at staffing ng ospital na tila hindi ito nagagamit magmula nang mabuksan. Sa katunayan, dadalawa lang ang pasyenteng nadatnan noon ni Sen. Tulfo.

Bilang Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers, agad na nakipag-ugnayan si Sen. Tulfo sa DMW para ibalita ang mga nakita niyang problema sa pagamutan nang sa gayon ay masigurong mabigyan ang mga ito ng solusyon. Maliban dito at kasama ang Senate Committee on Health, pinangungunahan na ni Sen. Tulfo ang paghahanda ng final version ng panukalang OFW Hospital at OFW Care Centers Bill, at nakatakdang ma-isponsoran niya ang mga ito sa plenaryo sa mga susunod na araw.

Lubos naman ang pasasalamat ni Sec. Cacdac kay Sen. Tulfo sa kanyang pagsuporta sa pagsasaayos ng OFW Hospital at higit sa lahat, sa pagsusulong ng Senador na mabigyan ng nararapat na budget ang ospital mula sa gobyerno.

Hangad ni Sen. Tulfo na magkaroon ng maayos na sistema at pamamalakad ang ospital para mas maraming OFW at kanilang mga dependents ang maserbisyuhan at makinabang sa OFW hospital.

Pinuri niya rin si Sec. Cacdac at DMW sa tuloy-tuloy na pagdeliver ng mga ipinangakong aksyon upang matugunan agad ang mga naging problema sa ospital. Mula sa Facebook page ni Sen Raffy Tulfo

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -