BINATIKOS ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang Tsina sa kanilang mga naging aksyon sa West Philippine Sea (WPS).
“Alam mo, dapat ayusin nila muna yung mga actions nila, para hindi magiging kaduda-duda on our part,” sabi ng Senador.
“Alam natin ‘yung ginagawa nila sa West Philippine Sea (WPS), e. Kaya sino bang hindi magdududa [na] wala silang ginagawang masama diyan sa WPS?,” dagdag ng Senador.
“Buti sana kung mabait sila hindi tayo magdududa, eh sinasalbahe nila tayo d’yan sa West Philippine Sea. Eh ano pa, ano tayo magtatanga-tangahan?,” sabi ni Sen. Dela Rosa. Mula sa Facebook page ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa