27.9 C
Manila
Martes, Nobyembre 26, 2024

Tinatasa ng PCG ang pinsalang natamo pagkatapos ng insidente ng water canon sa WPS

- Advertisement -
- Advertisement -

IPINAG-UTOS ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Ronnie Gil L Gavan, ang agarang pagsasagawa ng damage assessment matapos masangkot sa water canon incident ang 44-meter multi-role response vessel, BRP Bagacay (MRRV-4410). habang patungo sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS) nitong Abril 30, 2024.

Ayon sa National Task Force for the WPS (NTF-WPS), “hinarass, hinarang, pina-water cannon, at binangga ng China Coast Guard (CCG) at Chinese Maritime Militia (CMM) vessels ang mga sasakyang pandagat ng PCG at BFAR habang nagsasagawa ng humanitarian mission sa mga bangkang pangisda ng mga Pilipino sa nasabing katubigan.

Kinumpirma ni PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo, na nasira ng BRP Bagacay (MRRV-4410) ang superstructure nito, ang pangunahing lugar ng barko. Sinabi niya na ang Coast Guard Fleet ay sinusuri na ngayon particular ang istruktura ng barko upang matukoy ang mga kinakailangang pag-aayos.

“We are also providing its crew with comprehensive medical check-ups to ensure their well-being. Our personnel know the risks, yet they continue to fulfill their duties as public servants. We want to make sure that the Command provides their needs while in the performance of the PCG’s mandated functions,” (“Binibigyan din namin ang crew nito ng komprehensibong medical check-up para matiyak ang kanilang kagalingan. Alam ng ating mga tauhan ang mga panganib, ngunit patuloy nilang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin bilang mga lingkod-bayan. Gusto naming tiyakin na ang Command ay nagbibigay ng kanilang mga pangangailangan habang nasa pagganap ng mga tungkulin ng PCG,”) sabi ni CG Rear Admiral Balilo.

Bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang PCG, bilang suporta sa NTF-WPS, ay “patuloy na kikilos nang mapayapa at responsable” sa pagtataguyod ng soberanya ng bansa sa mga exclusive economic zones (EEZ), na kinabibilangan ng Bajo de Masinloc.

Mga larawan ni CG ASN JD Gania/ CGPAS

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -