26.4 C
Manila
Biyernes, Enero 3, 2025

Bakuna ng AstraZeneca, napigilan ang nasa 52,224 na kamatayan dulot ng COVID-19

- Advertisement -
- Advertisement -

Ayon sa pinaka bagong pag-aaral tungkol sa bisa ng mga bakuna laban sa COVID-19, malaki ang naitulong ng 39.1 million doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Pilipinas para mapigilan ang nasa 52,224 na kamatayan dulot ng COVID-19.

Pinangunahan ng health data firm na Airfinity ang nasabing pag-aaral mula Disyembre 2020 hanggang 2021. Nakita sa pag-aaral na ito na nasa mahigit 6.3 na milyong buhay sa buong mundo ang nailigtas ng bakuna ng AstraZeneca.

Naiwasan din ang nasa $3.2 bilyong dolyar na healthcare cost o gastos sa malawakang pagbabakuna sa Pilipinas mula Enero hanggang Oktubre 2021 dahil sa pagkakaroon ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa bansa. Ayon naman ito sa isang hiwalay na pag-aaral ng KPMG, kung saan ipinakikita ang naging tulong ng nasabing bakuna sa kalusugan at ekonomya ng Pilipinas.

Nasa mahigit 3 bilyong bakuna laban sa COVID-19 ang naipamahagi ng AstraZeneca sa mahigit 180 na mga bansa sa buong mundo. Karamihan sa mga bansang naabot ng AstraZeneca COVID-19 vaccine ay low hanggang lower-middle income countries.

Ayon naman sa datos ng ng 79 real-world studies, walang pagkakaiba ang bisa ng bakuna ng AstraZeneca at mRNA. Nasa 91.3% hanggang 92.5% ang bisa ng mga bakuna para makaiwas sa pagkaka-ospital o sa malalang kaso ng COVID-19, habang nasa 91.4% hanggang 93.3% ang bisa ng bakuna laban sa kamatayan.

Patuloy ang pakikipagtulungan ng AstraZeneca sa pamahalaan upang masiguro na mabibigyang prayoridad ang pagbabakuna ng primary series at booster sa mga Pilipino upang makamit ang sapat na proteksyon laban sa mga bagong subvariants ng COVID-19.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -