NARARAPAT lamang na papanagutin ang mga generation companies (gencos) sakaling mapatutunayan na ang kanilang kapabayaan ang dahilan ng pagbagsak ng mga planta. Kaya’t hinihimok natin ang Department of Energy at Energy Regulation Commission na mas maging istrikto sa pagtutok sa mga gencos.