30.9 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Mas istriktong hakbang hamon ni Gatchalian sa BI sa pagsala ng mga dayuhang kriminal na pumapasok ng bansa

- Advertisement -
- Advertisement -

MULING iginiit ni Senador Win Gatchalian ang kanyang hamon sa Bureau of Immigration (BI) na magpatupad ng mas mahigpit na hakbang para salain ang mga dayuhang kriminal na pumapasok sa bansa upang  magtrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), na kilala ngayon bilang Internet Gaming Licensees (IGL).

“Sa tuwing may nare-raid na POGO, palaging mayroong natatagpuang puganteng wanted sa kani-kanilang mga bansa,” sabi ni Gatchalian.

Aniya, muling nakita ito ng bansa noong ni-raid ang Zun Yuan Technology Inc. sa Bamban, Tarlac.  Agad na kinilala ang isang Taiwanese national bilang wanted na pugante sa kanyang sariling bansa nang mangyari ang raid.  Ang mas malala pa, natuklasan ng mga awtoridad na siya ay galing na sa isang POGO hub sa Pasay at inilipat lamang sa Bamban. 

Bukod dyan, anim pang wanted na dayuhang pugante na nagtrabaho sa Zun Yuan Tech ang kinilala ng mga awtoridad, lahat sila ay mga Chinese. 

Bukod sa mga Chinese at iba pang Asian nationals, marami na ring African nationals ang nagtatrabaho ngayon sa mga POGO, sabi ni Gatchalian.

“Palipat-lipat lang sila. Nakapuslit na nga sila sa immigration natin at ngayon ay malaya pang umiikot mula sa isang kumpanya ng POGO patungo sa isa pa. Ang mga insidenteng ito sa mga POGO ay paulit-ulit na lang na nangyayari,” diin ng mambabatas.

“Bilang mga gatekeepers, dapat siguruhin ng BI na nasasala ang mga pumapasok ng bansa at natutukoy agad ang mga kriminal na walang ibang misyon kung hindi maghasik ng mga ilegal na aktibidad sa bansa,” dagdag niya.

Ayon sa kanya, maraming POGO, maging ang mga lisensyado ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor), ang ginagamit na front para sa iba’t ibang ilegal na aktibidad kabilang na ang scamming activities na bumibiktima sa mga dayuhan at Pilipino. 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -