30.1 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 14, 2024

Prime Minister ng New Zealand nakipag-meeting sa Senado

- Advertisement -
- Advertisement -
IBINALITA ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa kanyang Facebook page na nakipag-meeting si Prime Minister Christopher Luxon ng New Zealand sa Senado matadors makipagkita Kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Aniya, “Malaking karangalan po na makasama si Prime Minister Christopher Luxon ng New Zealand sa isang meeting kanina kasama ang ating mga kasamahan sa Senado at sa gobyerno.
”Kaisa natin ang New Zealand sa pagpapanatali ng peace and security ng Indo-Pacific region, tungo sa mas maunlad na kalakalan sa pagitan ng ating mga bansa — at umaasa tayo na magbubunga ang ating meeting sa mas malakas na kooperasyong pang-seguridad at pang-ekonomiya.
“Nagpapasalamat tayo na dala rin ni Prime Minister ang representatives ng business sector ng New Zealand, na interesadong magpasok ng investments —at siyempre ng trabaho—dito sa Pilipinas.
“Thank you to Minister Simon Watts MP, Paulo Garcia MP (na unang Parliamentarian ng New Zealand na may dugong Pilipino), and Amb. Peter Kell for joining us as well.
“At siyempre salamat kina Majority Leader Joel Villanueva, Minority Leader Koko Pimentel, Senators JV Ejecito, Mark Villar, Cynthia Villar, Trade Secretary Alfredo Pascual, ARTA Dir. Gen. Ernesto Perez, Agriculture Usec. Jerome Oliveros, and Amb. Kira Christianne Azucena na nakasama rin natin sa meeting.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -