PARA masiguro ang kapakanan ng volunteers, ipinanukala ni Senator Kuya Bong Go ang Senate Bill No. 1709 o ang proposed Hazard Pay for All Disaster Personnel and Volunteers Act.
Layunin nito na makapagbigay ng hazard pay sa mga personnel ng Local Disaster Risk Reduction and Management Offices, Barangay Risk Reduction and Management Committees, at lahat ng accredited community disaster volunteers.
Kapag naisabatas ito, magkakaroon ng compensation ang mga personnel at volunteer kapag nasa ilalim ng State of Calamity ang bansa o lugar, base sa deklarasyon ng Presidente ng bansa. Ito ay pagsasalamat na rin sa pagharap nila sa delikadong sitwasyon kapag muling nagkakrisis sa bansa.
“Marami pong matutulungan ang mga volunteers. Maraming buhay po ang maililigtas sa inyong pagbo-volunteer. At kayo po ang hero ng panahon ng mga krisis tulad noong pandemya. Sa pakikipagtulungan ng gobyerno, at ng ating mga kababayan, marami pong buhay na maililigtas,” pahayag ni Senator Bong Go.