26.8 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Sapat na supply ng anti-snake venom sa mga ospital sa bansa isinusulong ni Sen Tulfo

- Advertisement -
- Advertisement -
SA pagbisita ni Sen. Idol Raffy Tulfo sa Cauayan City, Isabela, isang magsasaka ang lumapit sa kanya at ikinuwento ang nangyari sa kapwa niya magsasaka na kung saan ito ay namatay dahil sa tuklaw ng ahas.
Naisugod naman daw sa ospital ang biktima kaso walang anti-snake venom doon at ang pinakamalapit na pagamutan na may snake bite treatment ay ilang oras pa na biyahe ang layo. Kaya walang nagawa ang mga doktor kundi ito ay bigyan ng first aid hanggang sa ito ay tuluyan nalang malagutan ng hininga.
Hindi na bago ang ganitong malungkot na kwento ng mga kababayan natin na namatay matapos matuklaw ng ahas, partikular na ng cobra dahil nabibilang lang ang mga ospital sa bansa na nag-iimbak ng anti-snake venom sa kanilang pasilidad.
Nakakalungkot isipin na ang mga magsasaka na nagbubungkal ng lupa para may maipakain sa atin mula sa kanilang mga pananim at pagkatapos kapag sila ay naging biktima ng sakuna dahil sa tuklaw ng ahas, wala silang maasahan na kasiguraduhan mula sa atin upang sila ay matulungan.
Si Sen. Idol ay magpapasa ng Senate resolution in aid of legislation para maisabatas ang pagkakaroon ng anti-snake venom sa maraming ospital sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas, lalo na sa mga probinsiya na kung saan maraming mga bukirin ang sinasaka ng mga farmer.
At sa mga liblib na lugar, magkakaroon ng animal bite center sa barangay na pagdadalhan ng taong natuklaw ng ahas. At ang may pinakamalapit na pasilidad na may anti-snake venom ang siyang magde-deliver ng gamot sa ambulansiya patungo sa kinaroroonan ng biktima. Magtatalaga rin ng 24/7 hotline para sa mga snakebite emergency na puwedeng tawagan ng sinuman.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -