27.6 C
Manila
Biyernes, Disyembre 6, 2024

Barangay Anti-Drug Abuse Councils, patuloy na pinapalakas sa Batangas City

- Advertisement -
- Advertisement -

PATULOY ang pamahalaang lungsod ng Batangas sa pagpapalakas ng kaalaman at kakayahan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (Badac) upang maigting na magampanan ang tungkulin nito sa pagpapatupad ng mga programa kontra iligal na droga.

Kamakailan ay sumailalim ang mga miyembro ng Badac sa isang pagsasanay kung saan sentro ang pagbabalangkas ng mga angkop na programa kontra droga.

Kabilang sa mga sumailalim sa pagsasanay ang mga Punong Barangay, Barangay Secretaries, Chairperson ng Badac Committee on Operations and Advocacy at Duty Officers mula sa Solid Baybay cluster kabilang ang Brgy. Poblacion 1 at Wawa.

BInibigyang-diin dito ang kahalagahan ng Badac bilang unang level ng depensa laban sa illegal na droga n karaniwang nangyayari sa barangay.

Tinalakay ni Rachelle Mission mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Provincial Office ang Barangay Drug Clearing Program, pagpapatupad ng mga Intervention Programs, Badac Duties at Community Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP).

Ang Lungsod ng Batangas ang kauna-unahang lokal na pamahalaan na nagsagawa ng ganitong pagsasanay upang masiguro ang epektibong pagganap ng mga Badac members sa kanilang tungkulin at responsibilidad.

Nakatakdang sumailalim sa parehong workshop ang mga BADAC mula  sa ibang cluster sa Abril 12,22,23 at 30. (BPDC, PIA Batangas)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -