IPINAHAYAG ni Senate Committee on Agriculture and Food Chairman Sen. Cynthia Villar na mababawasan ang pangangailangan nating mag-import ng agricultural products kapag masagana ang ani.
Dahil sa mayroon tayong mga ganitong produkto, sinabi ni Villar na agaran tayong makapagbibigay ng “ready market” sa ating mga magsasaka.
Sa kanyang pananalita sa Philippine Food and Beverage Expo 2024, tinukoy ni Villar na maaari ring makipagkumpetensiya ang ating mga magsasaka sa global market via exports.
Iginiit din ng senador na magkakaroon ng maraming trabaho sa kanayunan kapag masagana ang ani sa agrikultura
Aniya, isusulong nito ang rural development na malaking tulong sa paglago ng ekonomiya.
“If there is assurance of income in agriculture, the young people will go back to agriculture and many OFWs will be encouraged to go home and be with their families because they can earn here,” sabi pa ni Villar na isang OFW advocate.
Sinabi rin niya na kapag available sa mababang presyo ang local products gaya ng gulay, prutas, livestock, poultry at dairy, may suplay para sa kanilang pagkain at inumon ang mga restaurant, merkado, supermarket, manufacturers, importers at consumers
“That is food security,” dagdag ng senator in the food expo na ngayo’y nasa ika16th taon.
Inorganisa at pinangunahan ang event sa World Trade Center sa Pasay City ng Philippine Food Processors and Exporters Organization (PHILFOODEX). nangungunang food industry association.
Lumahok dito ang mahigit 300 local growers at entrepreneurs sa Food and Beverage industry na nagpakita sa traders, buyers at consumer ng kanilang mga ng mga natatanging produkto . Ang Expo ay ginanap mula April 12-14.