25.7 C
Manila
Biyernes, Enero 3, 2025

BP Sara bumisita sa ang Pedro D. Duncano National High School sa Tiniwisan, Butuan City

- Advertisement -
- Advertisement -
BINISITA ni Bise Presidente Sara Duterte ang Pedro D. Duncano National High School, isang Matatag Curriculum Pilot School Implementer sa Tiniwisan, Butuan City.
Kuwento ng Kalihim ng Edukasyon, “Isa po sa ating binisita na paaralan kahapon, Abril 11, ang Pedro D. Duncano National High School sa Tiniwisan, Butuan City, isa sa mga Matatag K to 10 Pilot School Implementer.
Ipinangako ko noong Matatag K to 10 Curriculum Pilot Implementers Summit na bisitahin ang mga eskwelahan sa buong Pilipinas na tumanggap sa hamon na maging pilot implementers ng Matatag K to 10 Curriculum dahil na rin sa hiling ng mga guro.
Binisita ko po ang ilang silid-aralan na nagpapatupad na ng MATATAG K to 10 Curriculum at ipinaliwang ko sa kanila ang kahalagahan ng edukasyon. Hinikayat ko rin sila na mag-aral ng mabuti at magtapos dahil ito ang makapagbabago ng kanilang buhay at makakapagbigay ng ginhawa sa kanilang mga pamilya.
Kinausap ko rin po ang mga guro at punong-guro para malaman ang kanilang mga pangangailangan upang makapaglingkod ng wasto at malaman kung ano pa ang mga maaaring maitulong ng Kagawaran ng Edukasyon para sa kanilang paaralan.
Maraming salamat sa ating mga magigiting na mga guro na patuloy na naglilingkod at nakaalalay para sa ating mga Pilipinong mag-aaral.
Habang may mga batang Pilipino na nangangarap, nandito kami patuloy na maglilingkod at magsisilbi para sa minimithing magandang kinabukasan para sa ating kabataan.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -