BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng agarang pagtugon sa mabigat na trapiko sa Metro Manila sa Bagong Pilipinas Town Hall Meeting nitong Abril 10.
Pinagtuunan ni PBBM ng pansin ang epekto ng trapiko sa ekonomiya ng bansa, ang sama-samang pagpaplano ng pamahalaan, at ang pagpapabuti sa sistema ng pampublikong transportasyon.
Nanawagan din ang Pangulo sa pangmatagalang hakbang para sa pagtatayo ng imprastraktura at sa koordinasyon ng mga kawani para sa mas maluwag na trapiko at maginhawang pagbiyahe ng mga commuter.
Binigyang-diin ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang panawagan ni Pangulong Marcos Jr. sa mga LGU na aktibong makilahok sa mga inisyatiba ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng mabigat na trapiko sa Metro Manila. Teksto at mga larawan mula sa Facebook page ng Presidential Communications Office