27.9 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 28, 2024

PBBM tumulak na para sa Philippines-U.S.-Japan Trilateral Summit

- Advertisement -
- Advertisement -

PATUNGO na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ang kanyang delegasyon sa Washington, D.C. para sa kauna-unahang Philippines-U.S.-Japan Trilateral Summit kung saan makakasama niya sina U.S. President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Pag-uusapan ng mga lider ang mga isyu ng seguridad sa rehiyon, pati na rin ang kooperasyon sa mga usapin tulad ng enerhiya, ekonomiya, at digitalisasyon. Dadaluhan din ni PBBM ang isang bilateral meeting kasama si U.S. President Biden, pati na rin ang isang business forum kasama ang mga negosyante sa Estados Unidos.

Pangunahin sa mga pagtitibayin ni Pangulong Marcos Jr. sa Philippines-U.S.-Japan Trilateral Summit ang kooperasyon para sa kaunlaran ng ating bansa.

Ibinahagi ni PBBM sa kanyang departure statement na maliban sa Summit, isusulong din niya sa PH-U.S. bilateral meeting at sa pulong kasama ang U.S. business leaders ang pagtutulungan para sa mas matatag na ekonomiya at maginhawang pamumuhay ng mga Pilipino. Teksto at larawan mula sa Facebook page ng Presidential Communications Office

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -