27.7 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

LGUs dapat magpatupad ng contingency plan para sa mga manggagawa kontra init –Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang mga local government units na magpatupad ng mga contingency plan upang maprotektahan ang mga manggagawa mula sa masamang epekto ng mainit na panahon na dulot ng El Niño.

“Ang mga manggagawa ng gobyerno na nagtatrabaho sa labas o mga lugar na walang aircon, tulad ng street sweepers, traffic enforcers, at construction workers, ay dapat bigyan ng flexibility at sapat na oras upang magpahinga at mag-rehydrate para maiwasan nila ang heat exhaustion at heatstroke,” sabi ni Gatchalian.

Bukod sa pagpapahintulot na magpahinga sa oras ng trabaho, ang anumang contingency plan na pinagtibay ng mga LGU ay kailangang kasama rin ang pagbibigay ng angkop na kasuotan upang makatulong na maprotektahan ang mga manggagawa mula sa heat stress, sabi ng senador.

Gayundin, hinikayat niya ang mga pribadong kumpanya na magpatibay ng naaangkop na mga contingency plan para sa kanilang mga empleyado na may outdoor exposure o fieldwork, dagdag niya.

Binigyang-diin ni Gatchalian na sa kabila ng pahinga na dapat ibigay sa mga manggagawang, dapat ay ibigay sa kanila ang kanilang regular na sweldo nang walang bawas.

“Huwag namang bawasan ng sweldo kapag nagpahinga lang habang nasa trabaho. Mahalagang pangalagaan natin ang kalusugan at kapakanan ng mga empleyado dahil hindi rin makakatulong sa pagiging produktibo ng kumpanya o ng gobyerno kung mag-absent ang mga tao. Dapat mas nauunawaan natin ang kanilang kalagayan. Magbigay tayo ng flexibility na magpahinga, at kung gumanda ang panahon, pwede na din silang bumalik agad sa regular na pagtatrabaho,” pagtatapos niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -