26.8 C
Manila
Martes, Nobyembre 26, 2024

BP Sara sang-ayon sa mga ulat ng NTF-ELCAC Executive Meeting

- Advertisement -
- Advertisement -

MASAYANG ibinalita ni Bise Presidente Sara Duterte sa kanyang Facebook page na dumalo siya sa 5th National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Meeting.

Aniya, “Tayo po ay dumalo sa 5th National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Meeting na isinagawa sa Malacañang Palace noong nakaraang linggo.

Inilahad dito ang mga proyektong matagumpay na naisakatuparan at naimplementa ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, at ang mga paraan ng pagsulong upang makamit ang layunin ng NTF-ELCAC.

Bilang Co-Vice Chairperson, suportado ko ang mga inisyatiba at mga hakbang para makamit ang kapayapaan sa bansa. Maigting nating kinakampanya at binibigyang-diin ang kahalagahan ng kapayapaan bilang susi sa pag-unlad ng mga komunidad at ng ating sambayanan. Batayan nito ang aking karanasan at napatunayan bilang dating alkalde ng Lungsod ng Davao.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -