MAS maaasahang suplay ng kuryente ang dala ng Cebu-Negros-Panay (CNP) 230-kV Backbone Project na binuksan sa Bacolod ngayong araw, Abril 8, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa ceremonial energization ng CNP, binigyang-diin ni PBBM ang kahalagahan ng matatag na power grid sa pag-unlad ng Region VI at VII. Siniguro rin niya ang patuloy na suporta sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP at pribadong sektor para sa kinabukasan ng bansa.
Nauna rito, nagsagawa si Pangulong Marcos Jr. ng aerial inspection sa Cebu-Negros-Panay transmission line towers na nasa kahabaan ng Bacolod-Gahit Transmission Line at Bacolod Station ngayong araw, ika-8 ng Abril 2024.