28.2 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Revilla namahagi ng tulong pinansyal sa Caraga Region

- Advertisement -
- Advertisement -

PINANGUNAHAN ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa Caraga Region nitong Miyerkules (Abril 3). Nagtungo ang batikang mambabatas sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon katulad ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Agusan del Sur.

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nakapaghatid ang lingkod-bayan ng tulong sa mahigit 6,600 na benepisyaryo.

Mainit na sinalubong si Revilla ng bawat punonglalawigan sa mga nasabing probinsya at sinamahan sa naging cash assistance distribution sa kanyang mga kababayan.

“Binibigay lang po natin sa ating mga kababayan ang mga dapat naman talaga nilang natatanggap mula sa gobyerno. Nawa ay makatulong ito sa kanilang mga pang-arawang pangangailangan hanggang sa pag-unlad ng kanilang mga buhay,” ani ni Revilla

“Hindi po tayo magsasawang puntahan mismo ang ating mga kababayan para mag-abot ng tulong. Tungkulin po natin ito at kahit kailan ay hindi natin tatalikuran,” dagdag ng mambabatas.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -