29.6 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Doctolero, m𝐚kikibahagi sa Serye ng Webinar ng KWF

- Advertisement -
- Advertisement -

MAKIKIBAHAGI si Suzette Doctolero bilang tagapanayam sa serye ng webinar ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikang Pambansa 2024 na may temang “Ang Panitikan at Kapayapaan.”

Alinsunod sa itinakdang Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong Pebrero 10, 2015, na nagdedeklara sa buwan ng Abril bilang Buwan ng Panitikang Pambansa o National Literature Month na nagbibigay-halaga sa panitikan na nakalimbag sa iba’t ibang wika sa Pilipinas na itinuturing na pamanang pangkultura sa mga susunod na henerasyon.

Ang pagdiriwang ay binuksan sa pamamagitan ng isang face-to-face na lektura noong Abril 1,  2024, 10:00 nu-12:00 nt na itinampok ang paksang “Ang Paglikhâ at Pag-akdâ ng Kapayapaan” na tinalakay ni Dr. Felipe De Leon Jr., isang iskolar at dalubhasa sa kultura.

Tampok sa serye ng webinar ang mga iskolar, dalubhasa, at praktísyonér sa panitikan mula sa iba’t ibang larang. Ang unang webinar ay ginanap noong Abril 3, 2024, 10:00 nu-12:00 nt na may paksang “Ang Estado ng Panitikan ng mga Binging Pilipino” na ang naging tagapanayam ay si Prop. Michael Vea, isang faculty ng School of Deaf Education and Applied Studies, sa De La Salle- College of Saint Benilde.

Ang ikalawang webinar ay nakaiskedyul sa  Abril 10, 2024, 10:00 nu-12:00 nt na may paksang “Encantadia: Lente ng Kapayapaan sa Mata ng Manonood” na tatalakayin ni Suzette Doctolero, manunulat sa pelikula at telebisyon. Ginawaran si Doctolero ng KWF Dangal ng Panitikan 2023 dahil sa kaniyang hindi matatawarang ambag sa panitikan partikular sa kaniyang pagsulat ng iba’t ibang de-kalidad na pelikula at teleserye.

Ang ikatlong webinar ay nakatakda sa Abril 17, 2024, 10:00 nu-12:00 nt na may paksang “Katutubo at Modernisadong Panitikan para sa isang Mapayapang Lipunang Pilipino” na ang tagapagsalita ay si Dr. Romeo Peña ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP).

Samantala, ang ikaapat na webinar ay gaganapin sa Abril 24, 2024, 10:00 nu-12:00 nt na may paksang “Ang Panitikang Pambata at ang mga Usapin ng Kapayapaan” na tatalakayin ni Dr. Eugene Evasco ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.
Ang serye ng webinar ay live na mapapanood sa opisyal na Facebook Page ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Sa mga nagnanais na dumalo sa serye ng webinar via zoom ay maaaring makipag-ugnayan sa Sangay ng impormasyon at Publikasyon (SIP) sa telepono bílang 85473188 o magpadala ng email sa [email protected] para sa mga tanong at paglilinaw.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -