MASAYANG ibinalita ni Bise Presidente Sara Duterte ang kanyang pagdalo sa ika-87 Araw ng Dabaw sa kanyang Facebook page.
Aniya, “Tayo po ay dumalo sa ika-87 Araw ng Dabaw, “Parada Dabawenyo” sa San Pedro Square, Davao City noong Marso 17, 2024.
“Ikinagagalak ko pong nakasalamuha ulit ang mga kababayan ko sa Davao City na masayang nagtipon-tipon sa parada upang masaksihan ang mga inihanda ng 354 contingents na nagmula sa iba’t ibang mga government agencies, non-government organizations, people’s organization, private companies, barangay units, paaralan at unibersidad na nagsama-sama upang ipagdiwang ang Araw ng Dabaw.
“Binigyang-diin ko ang importansya ng pagkakaintindihan sa isa’t isa upang magkaroon ng isang matuwid na daan tungo sa pag-unlad at pagkamit ng kapayapaan sa isang komunidad.
“Ipinaabot ko rin po ang aking pasasalamat sa mga kapatid kong mga Dabawenyo sa kanilang ibinibigay na suporta sa ating lokal na pamahalaan sa lungsod ng Davao at sa kanilang suporta sa administrasyon ni Pangulong “BongBong” Marcos Jr. sa pangarap na Bagong Pilipinas.
“Ang Araw ng Dabaw ay isang masiglang kapistahan, na nangangahulugan ng pagdiriwang ng pagkakaisa ng ating lungsod na binubuo ng iba’t ibang tribu. Iba’t ibang mga aktibidad ang isinagawa katulad na lamang ng mga trade fairs at cultural na pagtatanghal. Mayroon ding makulay na parada at isang citywide beauty pageant.
“Happy 87th Araw ng Dabaw mga kaigsuonan kong Dabawenyo!”