26.7 C
Manila
Sabado, Disyembre 21, 2024

PBBM nakapagsara ng $4B deal sa 3-araw na pagbisita sa Germany, nasa Czech Republic ngayon

- Advertisement -
- Advertisement -

UMABOT sa $4B ang naisarang negosyo sa tatlong araw na pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Germany na nagtapos nitong Miyerkules, Marso 13. Umabot na sa 70 taon ang diplomatic relations ng Pilipinas at Germany.

Dumating na sa Czech Republic si Pangulong Marcos Jr. para sa kanyang apat na araw na state visit. Larawan mula sa PCO

Ngayon, Marso 14 ay dumating sa Vaclav Havel International Airport sa Prague,  Czech Republic ang Pangulong Marcos Jr. para sa mahahalagang pakikipagtuwang at pagdiriwang ng ika-50 bilateral ties ng dalawang bansa.

Sinigurado ni German Chancellor Olaf Scholz na patuloy na susuportahan ng Germany ang Pilipinas. Larawan mula sa PCO

Samantala, sinigurado ng Germany ang patuloy nitong pagsuporta sa Pilipinas sa gitna ng mga problemang kinakaharap ng Pilipinas sa South China Sea.

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na mahalaga ang pare-parehong paninindigan ng mga bansa. Aniya, “we to present a unified front against any unilateral attempts to take territory from any other country,” sa ginawang bilateral meeting niya kay German Chancellor Olaf Scholz in Berlin noong Martes.

Sinabi naman ni Pangulong Scholz na  kailangang sumunod sa pang-internasyonal na batas partikular sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea o UNCLOS at sa 2016 Arbitral Award on the South China Sea at siguraduhin ang malayang paglalakbay.

Ang mga  pamumuhunan ng Germany sa bansa lalo na noong isang taon ay lalong nagpalakas ng kanilang kumpyansa na mamuhunan at makipagtuwang sa Asia-Pacific. Inaanyayahan natin sila sa mas malakas na kolaborasyon lalo na sa climate action at energy transition.

Sabi pa ng Pangulo, “ Our partnerships with Siemens AG and Wind Power Development will create more jobs in healthcare tech, green manufacturing, and renewable energy.

“With Airbus on board, Filipinos will gain expertise in aerospace, enhancing our global standing in the aviation market.”

Masaya rin niyang ibinalita ang kanyang pakikipagkita sa mga Pilipinong nasa Germany.

“Nakatataba po ng puso na makita ang mga mukha sa likod ng mga kuwento ng pag-asa, pagsusumikap at tagumpay dito sa Germany.”

“Ang itinataguyod nating Bagong Pilipinas na puno ng kaunlaran at oportunidad ay para sa lahat ng Pilipino, saan mang panig ng mundo sila naroroon,” dagdag pa ng Pangulo.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -