26.5 C
Manila
Linggo, Disyembre 22, 2024

Negros Island Region Act pasado na sa Senado

- Advertisement -
- Advertisement -

IBINALITA ni Senate President Miguel Juan Zubiri sa kanyang Facebook page na naipasa na sa Senado ang Negros Island Region Act.

Graphic mula sa Facebook page ni Senator Migz Zubiri

Aniya, “Good news para sa mga kapwa ko Negrense!

“Pasado na po sa Senado ang ating Negros Island Region Act! Masaya po akong naipasa na namin ito dahil bahagi po ito ng aking mga pangako nung kampanya, bilang tubong-Kabankalan po ang aking tatay, at alam ko po kung gaano katagal na itong hinihintay ng aking mga kababayan.

Larawan mula sa Facebook page ng Senate of the Philippines

“Sa NIR Act, pagsasamahin na natin sa iisang administrative region ang Negros Occidental, Negros Oriental, at Siquijor.

“This way, hindi na po mahihirapan ang mga kababayan natin na pumunta pa sa mga regional government offices sa Cebu o sa Iloilo, dahil dadalhin na natin mismo sa Negros ang ating mga serbisyo.

Larawan mula sa Facebook page ng Senate of the Philippines

“Nakasama po namin ni Sen. JV Ejercito nitong isang gabi ang mga representante ng Negros na sina Rep. Dino Yulo, Rep. Greg Gasataya, Rep. Alfredo Marañon, Rep. Gerardo Valmayor, Rep. Mercedes Alvarez, Rep. Manuel Sagarbarria, at Rep. Jocelyn Limkaichong, para pag-usapan ang pagsasabatas ng ating Negros Island Region.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -