25 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 25, 2024

Nominasyon para sa OSH champions  

- Advertisement -
- Advertisement -

BINUKSAN na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang nominasyon para sa occupational safety and health (OSH) champions sa paglulunsad ng 13th Gawad Kaligtasan at Kalusugan (GKK) noong ika-27 ng Pebrero sa Quezon City.

Idinaraos tuwing ikalawang taon, kinikilala ng GKK ang mga establisimyento at indibidwal para sa matagumpay na pagpapatupad ng mga patakaran at programa sa kaligtasan at kalusugan sa lugar-paggawa. Bukas ang nominasyon sa mga pribado at lokal na rehistradong kumpanya, ahensya ng pamahalaan, mga indibidwal na itinalaga bilang mga tauhan ng OSH na nominado ng kumpanya  sa GKK, mga micro-enterprise, at impormal na sektor na may mga bagong ideya, pagpapahusay, o mga inisyatibong pangkaligtasan at pangkalusugan.

Pinangunahan ng Occupational Safety and Health Center (OSHC), isang ahensiya sa ilalim ng DoLE, ang paglulunsad. Binigyang-diin ni OSHC Executive Director Jose Maria Batino (itaas na larawan, gitna) ang kahalagahan ng pagkilala sa mga natatanging patakaran at programa ng OSH, lalo na sa mga aral na natutunan mula sa pandemya. Kanyang hinikayat ang mga micro enterprise (may empleyado na hindi hihigit sa 10) at ang mga nasa impormal na sektor na sumali sa GKK. Idinagdag niya na magsasagawa din ng katulad na adbokasiya sa Central Luzon, Calabarzon, Cebu, at Davao.

Makukuha ang listahan ng documentary requirements at nomination forms sa pamamagitan ng link: http://tinyurl.com/13thGKK. Ang huling araw para sa pagsusumite ng entry ay sa ika-30 ng Abril 2024.

Kasama rin sa paglulunsad sina OSHC OIC-Deputy Executive Director German Eser Jr. (itaas na larawan, kaliwa) at DoLE National Capital Region Assistant Regional Director Jude Thomas Trayvilla (kanan). (Kuha ni Alejandro P. Echavez, DOLE-IPS)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -