BABALA ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na mag-ingat sa mga text message na nagpapanggap na mula sa Philippine Postal Corporation o PHLPost.
Ayon sa BSP, ang mga text message ay naglalaman ng instructions na kumpirmahin ang inyong address sa pamamagitan ng pag-access sa website o pagsagot sa text message para i-activate ang link.
Paalala sa publiko na huwag itong sagutin!
Upang malaman o ma-track ang inyong delivery o para sa iba pang katanungan, bisitahin ang opisyal na website ng PHLPost https://phlpost.gov.ph/ o Facebook page https://www.facebook.com/PHLPost.
I-report agad sa official channels ng inyong bangko o e-money issuer kung nakumpromiso ang inyong account, credit card, e-wallet o personal na impormasyon. Ang mga bangko at e-money issuers ay naatasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na paigtingin ang kani-kanilang consumer assistance mechanisms. Ito ang directory ng mga consumer assistance channels nila: https://www.bsp.gov.ph/…/Inclus…/ConsumerAffairsDir.aspx
Maaari ring i-report ang mga scammers sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Cybercrime Investigation and Coordinating Center ng Department of Information and Communications Technology: https://cicc.gov.ph/report/
- Philippine National Police Anti-Cybercrime Group Complaint Action Center: Landline+63 ( 723-0401 local 7491o Cellphone0961-829-8083 and 0915-589-8506.
Kung hindi nabigyan ng sapat na aksyon ng bangko o e-money issuer ang inyong hinaing, ipagbigay-alam agad ito sa BSP sa pamamagitan ng BSP Online Buddy o BOB. Makakausap si BOB sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- I-click ang BOB icon sa BSP website (www.bsp.gov.ph)
- Mag-chat sa Facebook Messenger ng BSP (https://www.m.me/BangkoSentralngPilipinas/)
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BSP Consumer Assistance Mechanism, bisitahin ang: https://bit.ly/BSPCAM.
Protektahan ang sarili mula sa scam at iba pang uri ng panloloko! Gawin ang #CPR – #CheckProtectReport (BSP/PHLPOST/PIA-NCR)