SANG-AYON sa mga prayoridad na sektor ng administrasyon, nag-uwi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng halagang $1.53 bilyon kasunduan mula sa Australian companies para sa dagdag trabaho, mas murang kuryente at pabahay, abot-kayang serbisyong pangkalusugan, at makabagong imprastraktura.
Ipinagpatuloy ni PBBM ang pagsulong sa interes ng mga Pilipino at pagpapatibay sa kooperasyon ng mga bansa sa Indo-Pacific sa mga session ng Asean-Australia Special Summit.
Ibinahagi rin ng Pangulo ang posisyon ng bansa sa mga pandaigdigang usapin sa Lowy Institute at binisita ang mga kababayan nating nasa Australia. Teksto at mga larawan mula sa Facebook page ng Presidential Communications Office