25.6 C
Manila
Sabado, Disyembre 28, 2024

Jail Integration Act, isa nang batas

- Advertisement -
- Advertisement -

SA botong 19 affirmative votes, 0 negative votes at 0 abstentions, inaprubahan nitong Lunes, Marso 4, sa Third Reading ang SBN 2352 o ang Jail Integration Act na pinangunahan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa upang ilipat sa kapangyarihan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pamamahala sa mga piitan sa ating mga probinsya.

Sa ilalim ng panukalang batas, ililipat sa pamunuan ng BJMP ang pamamalakad sa provincial at sub-provincial jails sa layong gawing sentralisado ang mga polisiya at mas epektibo ang sistema ng mga kulungan sa bansa. Inaasahan din na matutugunan ng panukala ang suliranin ng ating PDLs (persons deprived of liberty) lalo na sa usapin ng pagsikip sa mga kulungan na nananatiling hadlang para sa kanilang tuluyang reporma.

Tinitiyak naman ni Sen. Bato na mabibigyan ng sapat na panahon ang ating provincial at sub-provincial jail employees na tumugon sa eligibility requirements ng kanilang posisyon sa tulong ng 5-year transition period at karagdagang 3-year compliance period upang tuluyang ma-absorb ng BJMP.

Ayon kay Senate President Miguel “Migz” Zubiri, “Dito, mailalagay na natin sa ilalim ng Bureau of Jail Management Penology (BJMP) ang pamamahala sa mga provincial at sub-provincial jail, imbis na sa ilalim ng mga local government units. Sa ganitong paraan, magiging mas organisado ang pagpapatakbo ng lahat ng ating mga kulungan, sa ilalim ng ekspertong pamamalakad ng BJMP.”

Samantala, binati ni Majority Leader Joel Villanueva, si Senador Bato, “Good news po! Pasado na sa ikatlong pagbasa ang SBN 2352 o ang Jail Integration Act na isinusulong ni Sen. Bato bilang author at principal sponsor.”

Ang mga may-akda ng SBN 2352 ay sina Senators Ramon Bong Revilla Jr., Dela Rosa, Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri, Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito at Majority Leader Joel Villanueva.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -