27.2 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

PBBM nakapag-uwi ng P86B investment deals sa pagbisita sa Australia

- Advertisement -
- Advertisement -

TINATAYANG $1.53 bilyon o P86 bilyon investment ang naiuwi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mula sa 12 business deals na kanyang nilagdaan sa Philippine Business Forum na naganap sa Australia kasabay ng kanyang pagdalo sa Asean-Australia Special Summit sa Melbourne nitong Lunes, Marso 4.

Sa Philippine Business Forum sa Melbourne, ibinahagi ni PBBM ang pagpasa ng mga batas at polisiya na magpapadali ng pagnenegosyo sa Pilipinas.

Layunin nitong madagdagan pa ang mga direct foreign investment sa bansa, partikular na sa larangan ng renewable energy at sustainable manufacturing.

Samantala, pinasalamatan din ni Pangulong Marcos ang mga Pilipino sa Australia para sa kanilang mga kontribusyon, at kanyang inimbitahan ang mga ito na bumisita sa isang Bagong Pilipinas.

Sa kanyang mensahe sa Filipino community na nagtipon sa Melbourne, ibinahagi ng Pangulo ang kanyang mga layunin sa kanyang paglahok sa Asean – Australia Special Summit. Siniguro rin ni PBBM ang patuloy na aksyon ng pamahalaan para sa kaunlaran ng bawat Pilipino.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -