ISANG buwan na lang bago ang inaabangang May 9 national elections, nananatiling mataas ang ratings ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., sa pinakahuling resulta ng survey na isinagawa ng Laylo Research nitong nakalipas na Marso 15-22.
Ang nasabing survey ay ginawa sa loob ng isang linggo at may kabuuang bilang na 3,000 respondents.
Base sa resulta ng survey, si Marcos ay nakakuha ng 61%, malayong hindi hamak sa 19% na nakuha ni Robredo.
May diperensya itong 42% na imposibleng maabutan pa, lalo’t 32 araw na lamang ang nalalabi para sa inaabangang Halalan 2022.
Itinuturing na ang Laylo Research survey ang may pinaka-latest na resulta dahil isinagawa ang kanilang ‘field work’ noong March 12 hanggang March 22 mula sa 3,000 respondents.
Samantala, kahit sa resulta ng Pulse Asia Survey ay angat at lagpas pa sa 50% ang nakuha ni Marcos na may 56%.
Halos doble ang layo nito mula sa katiting na 24% ni Robredo.
May 2,400 respondents ito na isinagawa naman noong March 17 hanggang March 21.