NGAYONG Fire Prevention Month, muling nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na mas maging maingat at mas alisto upang maiwasan ang sunog.
Ayon sa MMDA, mahalaga na ang bawat mamamayan ay may kamalayan ukol sa mga karaniwang nagiging sanhi ng sunog at magkaroon ng kaalaman sa mga hakbang na gagawin upang makaligtas kung sakaling nasa lugar nang nasusunog na lugar.
Ang Fire Prevention Month ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Marso alinsunod sa Presidential Proclamation No.115-A s. 1966.
Ito ay naglalayong itaas ang kamalayan ng publiko ukol sa kaligtasan at pag-iwas sa mga aksidente ng sunog.
Samantala, mahalaga ring alamin ang emergency number sa inyong lugar. (BFP-NCR/PIA-NCR)