31 C
Manila
Linggo, Nobyembre 24, 2024

Palarong Pambansa ngayong taon balik Cebu

- Advertisement -
- Advertisement -

LUMAGDA si Bise Presidente Sara Duterte ng Memorandum of Agreement bilang kinatawan ng Department of Education sa Cebu City Hall nitong Pebrero 2, 2024 para sa gaganaping Palarong Pambansa sa bansa ngayong taon.

Aniya, “Lubos po ang aking kasiyahan na ako ay nakabalik sa Cebu City para sa isang Memorandum of Agreement Signing sa pamamagitan ng Department of Education at Local Government Unit ng lungsod para sa gaganaping Palarong Pambansa ngayong taon.”

Ang City Government ng Cebu ang nagwagi bilang host sa 64th Palarong Pambansa sa taong ito.

“Ikinagagalak ko po na pagkatapos ng mahigit 30 taon ay sa kanilang lugar na naman muling isasagawa ang Palarong Pambansa. Kung inyo pong matatandaan, noong taong 1954 at 1994, sa Cebu City po ginanap ang nasabing Palaro,” kuwento ng Ikalawang Pangulo.

Pinoy

Ang Memorandum of Agreement sa pamamagitan ng Department of Education at Local Government of Cebu City ay pagbibigay-diin sa nagkakaisang layunin upang maipagkaloob ang pinakamainam na kapaligiran para makihalubilo, makipagpaligsahan at makipagtagisan ang ating mga student-athletes. Isa rin itong pagkakataon para mahasa ang kanilang pisikal, intelektwal at kanilang social well-being.

Dagdag pa niya, “Ako po’y nasasabik sa magiging karanasan ng ating mga atletang mag-aaral dito sa Cebu City, kung saan, sila ay kilala sa kanilang world-class venues at facilities.

“Pinasalamatan ko po ang lahat ng bumubuo ng City Government ng Cebu na pinangunahan ni Mayor Michael Rama maging sa kanilang taos-pusong pagtanggap sa responsibilidad bilang host sa paligsahang ito. Hindi ito madali ngunit tinanggap ninyo ang hamon na ito ng buong puso. Daghang Salamat!

“Patuloy po tayong magtulungan para sa ating mga atletang Pilipino upang maipakita ang kanilang husay, determinasyon at pagmamahal sa larangan ng sports at sa Bayan.” Teksto at mga larawan mula sa Facebook page ni Inday Sara Duterte

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -