BILANG suporta sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na bigyang-diin ang pagsunod sa Republic Act 9994 o “The Expanded Senior Citizens Act of 2010,” ang Food and Drug Administration (FDA) Philippines sa pangunguna ni FDA Director General Dr. Samuel Zacate at sa tulong ni Director Jesusa Joyce Cirunay ng Center for Drug Regulation and Research (CDRR) na paigtingin pa ang pagpapatupad ng naturang batas.
Ayon sa Administrative Order No. 2012- 0007 Part VI Section 3.1 ang 20 porsiyentong diskwento at VAT exemption ay maaaring gamitin sa generic at branded medicines, kasama ang Influenza at Pneumococcal vaccines. Sakop rin ng diskwentong ito ay ang mga vitamins at minerals supplements na nireseta ng doktor upang maiwasan at pagalingin ang mga sakit ng mga pasyente.
Ang FDA Advisory No. 2014-054, alinsunod sa DoH Administrative Order 2010-0032, ay naglatag ng mga panuntunan para sa pagbebenta ng mga gamot at implementasyon ng 20 porsiyento Senior Citizens discount na nakapaloob sa Republic Act 9994. Ang National Coordinating Monitoring Board (NCMB) Resolution No. 1 s. 2013, ay nagbigay ng karagdagang suporta sa nasabing AO, partikular na nililinaw ang paggamit ng mga dokumentong pagkakakilanlan ng mga Senior Citizens upang makakuha ng mga benepisyo at prebilihiyo. Ayon sa mga nasabing regulasyon, ang mga Senior Citizens ay may karapatan sa 20 porsiyentong discount sa mga gamot na mabibili mula sa mga ospital at pribadong retail pharmacies. Ang mga dokumento na maaaring ipresenta ay ang mga sumusunod: Senior Citizens ID at Purchase Slip Booklet upang mailista ang mga gamot na binili sa bawat transaksyon. Ang mga Over-The-Counter medicines ay hindi na nangangailangan ng reseta ng doktor upang makakuha ng 20 porsiyentong discount.
Ang FDA ay hindi naglabas ng anumang Advisories na pinapawalang bisa ang mga probisyong nakasaad sa FDA Advisory 2014-054 at FDA 2020 – 1547. Ang mga kinauukulan ay pinapaalalahan na sundin ang mga nasabing panuntunan upang masigurado ang maayos na implementasyon ng mga benepisyo para sa mga Senior Citizens. Ulat mula sa Facebook page ng Presidential Communications Office