27.8 C
Manila
Linggo, Disyembre 22, 2024

Mangingisda, magsasaka dapat bigyan ng fuel subsidy – Roque

- Advertisement -
- Advertisement -

Iginiit ni UniTeam senatorial candidate Harry Roque na dapat bigyan ng fuel subsidy ang mga mangingisda at magsasaka para matulungan ang mga ito sa kanilang kabuhayan bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyon ng langis dahil sa tensyon na nangyayari sa Ukraine at Russia.

Sinabi ni Roque na nahaharap ang sektor ng agrikultura sa isang mabigat na hamon dahil sa pandemya at ang mataas na gastusin sa gasoline.

“We need to provide continuing subsidies to the farmers. I suggest that what is in the budget already intended because of the pandemic should be continued this time, not because of the pandemic but because of the very high fuel cost,” sinabi ni Roque sa CNN Philippines Senatorial Forum.

Dapat din aniyang magbigay ng karagdagang pondo ang gobyerno dahil hindi pa bumabababa ang presyo ng krudo.

Nagtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis dahil sa pagtaas ng pandaigdigang presyo ng nito. Ang pinakahuling pagtaas, P13.15 kada litro para sa diesel, P7.10 para sa gasolina, at P10.50 para sa kerosene, ang pinakamalaki.

Binigyang-diin ni Roque na kailangang gumamit ng langis ang mga mangingisda sa kanilang mga bangka sa pangingisda, habang ginagamit naman ito ng mga magsasaka sa pag-aani ng mga pananim.

“We need to give fuel subsidies to farmers and fishermen because they too are dependent on the fuel for transportation and their production methods since many farmers are already mechanized,” aniya ni Roque.

“We should review whether or not we should restore the price stabilization fund instituted in the past because of the sudden rise in petroleum prices. We have to provide subsidies whether we like it or not,” dagdag pa niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -