27.2 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Dela Rosa nagsalita tungkol sa Wage Increase Act of 2023

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng kanyang pahayag si Senador  Ronald “Bato” Dela Rosa hinggil sa Wage Increase Act of 2023 kahapon, Enero 7, sa Senado

Aniya, “Magkano po ba ang dignidad ng isang Pilipinong manggagawa? Ito po ay kailanman hindi masusukat ng ano mang halaga ng salapi. Buong-buo po ang aking pagsuporta sa dagdag na P100 sa sahod ng ating mga manggagawa. Ngunit wala rin naman po sigurong masama kung gusto pa natin itong dagdagan pa.

“Bagamat maituturing po na pampaampat ng pagdurugo o panandaliang lunas ang ating panukala na ito, nawa po ay kahit papaano ay makapagbigay ito ng kahit kaunting kaluwagan at espasyo para makahinga ang ating mga kababayan.

“Malayo-layo pa po ang ating lalakbayin bilang isang bansa para makamit ang ating minimithing pag-unlad at ganap na pagwawagi laban sa kahirapan. Pero ituring po natin ang panukalang ito na isa sa marami pa nating mga hakbang patungo sa pagbibigay ng kaginhawaan sa buhay ng ating mga manggagawa. Ika nga po ng mga kabataan ngayon: “Malayo pa, pero malayo na.” Pasasaan pa’t makararating din.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -