MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga rain coats, rain boots, at uniforms mula sa ride-hailing firm na JoyRide PH.
Ayon sa MMDA, ang donasyon ay para sa mga miyembro ng Special Operations Group-Strike Force at mga instructors ng Motorcycle Riding Academy (MRA).
Tinanggap ni MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana kasama sina MMDA Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas, at Traffic Discipline Office Director for Enforcement Atty. Victor Nuñez ang donasyon.
Dumalo rin sa turnover rites sina JoyRide PH Vice President Jerico Meneses, at Vice President for Biker Management Julius Ballesteros.
Ayon sa MMDA, napag-usapan ng ahensiya at Joyride ang posibilidad ng paggamit ng certificate ng mga riders na sumailalim at nakumpleto ang training sa MRA para makapag-apply sa mga ride-hailing app. (MMDA/PIA-NCR)